Reviews

Si Amapola sa 65 na Kabanata by Ricky Lee

nostalgicweirdo's review against another edition

Go to review page

4.0

Ganun na lang ba talaga? Wala na ba talagang pag-asa na mailagtas ang Pilipinas? Paulit-ulit na lang kasi na may isang gustong mag-ligtas pero hindi nag-tatagumpay dahil sa mga korap at sa kapwa rin nating mga Pilipino na kinokonsinte ang mga taong yun.


Kalungkot.

bananaship's review against another edition

Go to review page

3.0

Si Amapola sa 65 na kabanata. Akala ko pang halloween na basa pero biglang naging comedic and political parang ang labo kasi nalito na ako sa plot and point nito, saan ba tayo pupunta mula dito? It had its moments pero it was an okay read. Sorry, Ricky Lee. Mahal pa din kita. #damikongsinabi

queertheromance's review against another edition

Go to review page

4.0

An LGBT+ book with good humor and have some historical, psychological and fantasy themes. I really like it although I wasn't satisfied much with the ending and I guess maybe because the author wanted to make it an open ending kind of way? Still, definitely recommending it because it's still a good read

levi_masuli's review against another edition

Go to review page

1.0

my review is in my blog: http://johnlevimasuli.wordpress.com/2012/02/08/si-amapola-sa-65-na-kabanata-or-probably-less/

maiborromeo's review against another edition

Go to review page

4.0

Ang haba nya para yun lang ang maging ending. Don't take this the wrong way pero parang mapatawa na mapaiyak ka nalang sa ending na sa kahaba-haba at kalunos-lunos na pinagdaanan ni Amapola ya hindi pala sya ang tunay na itinakda. Nakaka imbyerna cguro para kay Lola Sepa, maling toilet bowl (timing) ang napasukan. At sa susunod o kung may susunod paman na pagkakataon, kailangan na naman niyang dumaan sa toilet bowl para sa totoong itinakda. Pero kung seryosohan, may pag-asa pa ba talaga kaya ang Pilipinas? karapat-dapat pa ba kaya itong iligtas? o tayo-tayo na rin lang mga Pilipino ang naghihilahan pababa?

diwataluna's review against another edition

Go to review page

4.0

Sabihin na lang nating 3.5 ang tunay na rating.

(May kaunting spoilers)

Sa totoo lang, wala pa akong napapanood na pelikula sa panulat ni Maestro Ricky Lee. (Whaaaatttt????) Dahil siguro dito ay mas obhetibo ang aking pagbasa at paghusga sa kaniyang mga pampanitikang akda. (Naks!)

Una kong nabasa ang Para Kay B (O kung paano dinevastate ng love ang 4 out of 5 sa atin). Marami akong nagustuhan sa nobelang iyon bagamat mas nagbabasa ako ng mga akdang nakasulat sa Ingles. Mabigat, malaman, kumplikado, madamdamin, pulitikal. Iyan ay ilan lamang sa mga salitang maaaring gamitin para ilarawan ang Para Kay B. Hindi ko na nga naaalala ang bawat tagpo, ang bawat kwento, ngunit naaalala ko ang aking nararamdaman sa bawat pahina.

Ang Si Amapola sa 65 na Kabanata ay naiibang nobela dahil sa masasabing mas "normal" ang porma ng nobela (hindi ko alam ang terms sa Filipino ng mga kritikal na rebyu ng panitikan). May tuwirang paglalahad, pagbabalik-tanaw, pagpapalit ng punto-de-bista. Mas madaling basahin kumbaga, at dahil diyan, mas madaling i-enjoy.

Natatangi ang pangunahing tauhan na si Amapola bilang siya ay isang baklang impersonator na may multiple personality disorder o iba-ibang katauhan. Sa detalyeng ito pa lang ay marami nang pwedeng gawing pagpapakahulugan. Kung ikaw ba ay nag-iimpersonate, hindi mo ba maituturing na isa sa mga katauhan mo ang mga iniimpersonate mo? Ano ang implikasyon ng pagiging hati sa kasarian?

Speaking of hati, si Amapola din ay isang aswang. Hati siya literally. Bakit aswang na baklang impersonator na may multiple personalities? Grabe ang pagkakahati-hati ni Amapola! At yan ang kabuuan ng hati-hating bida na sa maraming lebel ay nangangailangan ng pagtanggap sa lipunan.

Iba-iba ang mararamdaman habang binabasa ang nobela. Suspense para sa mga adbentyur ni Amapola. Pagkainis sa mga pangyayari. Pagkabigla sa mala-telenobelang pasabog. Pagkalungkot para sa mga ibang tauhan, sa kanilang kanya-kanyang kwento. Katatawanan sa mga makukulit at LOL na mga pangyayari. Marami.

Isa sa mga pangunahing Aaaww moments ay ang pagkukwento sa Alamat ng Bakla. Hindi ko na idedetalye dito. Basta sa dulo ay mapapa-Aawww ka. Kung hindi ka homophobic.

May mga pasintabi rin sa mga pulitikal na personalidad, na bagamat di pinangalanan ay makikilala pa rin ng mambabasa. Kakatuwa rin ang timing ng pag-launch ng nobela sa pagdiriwang ng kapanganakan ni Andres Bonifacio dahil masasariwa ng mambabasa ang kwento ng ating kasaysayan, lalo ng kay Bonifacio... sa naiibang punto de bista at paraan.

Gayunpaman, ramdam ko rin ang kahabaan ng nobela. Madaming kaganapan, rebelasyon at pagbabago. madaming idinetalye at binigyang puwang na diskurso. Bawat tauhan ay may sariling back story, nabigyan ng mukha, ng pagkakataon na makahingi ng simpatiya. Kaya enjoy pa rin naman.

Isipin mo man na isang alegorya ang nobela o isang mas mahabang Zsa Zsa Zaturnah, bahala ka na. Para sa akin, isa pa rin itong tagumpay para kay Ricky Lee.

Sige na nga, 4 stars talaga!

margaaaisreading's review

Go to review page

adventurous funny mysterious medium-paced
  • Strong character development? Yes
  • Loveable characters? Yes
  • Diverse cast of characters? Yes
  • Flaws of characters a main focus? Yes

3.5

diane_gps's review against another edition

Go to review page

adventurous funny slow-paced
  • Plot- or character-driven? A mix

3.5

kriziaannacastro's review

Go to review page

challenging dark funny lighthearted reflective slow-paced
  • Plot- or character-driven? Character
  • Strong character development? Yes
  • Loveable characters? Yes
  • Diverse cast of characters? Yes
  • Flaws of characters a main focus? Yes

3.0

bibiik's review against another edition

Go to review page

adventurous challenging emotional funny hopeful medium-paced
  • Plot- or character-driven? A mix
  • Strong character development? Yes
  • Loveable characters? Yes
  • Diverse cast of characters? Yes
  • Flaws of characters a main focus? Yes

4.5