hayyachan's profile picture

hayyachan's review

5.0

I was having a reading slump and was looking for a fictional book to read, when I noticed that this series has been repeatedly recommended on some bookworms' groups in facebook that I'm a member of. So I bought a copy of the book to try it. I was not disappointed and it's worth every penny.

I really want to try reading another book written by a Filipino author and it's an easy read like a children's book though the story is a bit more dark. I didn't expect some twists and I was very terrified by the Tiyanak!! I could barely sleep when I finished the book and I couldn't finish the 2nd book as I was left alone in the house during the quarantine.

I was most fascinated by how the author mixed a modern story where youth of this generation could relate to and the Filipino folklore that our generation grew up knowing.

You should definitely read this!

ariannevlsqz's review

3.5
adventurous dark mysterious tense slow-paced
Plot or Character Driven: Plot
Strong character development: No
Loveable characters: No
Diverse cast of characters: Complicated
Flaws of characters a main focus: No

Whoa, ngayon na lang ulit ako nakapagbasa ng ganito kagandang libro.

Unang libro pa lang sa serye pero dalang-dala na ako. Kinilabutan pa ako sa kuwento ni Renzo (na kapwa galing ng Zambales din) at lalong-lalo na sa Tiyanak ng Tabon. Medyo nabitin lang ako sa libro dahil medyo may kaiksian. Halos 170 na pahina lang. Pero okey na okey lang din naman sa akin kahit gaano pa man kahaba o kaikli dahil nakakamangha ngang tunay na nagawa ng awtor na pagsamahin ang online games at mitholohiyang Pilipino. Napaka-astig pa sa palagay ko ng larong TALA. Paano kaya kung totoong may larong ganito? Maglalaro din kaya ako?

Munting babala: Huwag ninyong basahin sa gabi. Baka hindi kayo makatulog ng maayos.

P.S. Sir Egay, ginalingan mo naman masyado.
paoreads's profile picture

paoreads's review

4.0

A very great start for a series. Harry Potter x The Matrix kind of story.
awexis's profile picture

awexis's review

3.0

Ang tagal ko na gusto mabasa itong libro na ito. Nacurious kasi ako dahil parang DOTA daw yung story. Ang tagal ko rin bago ako nagkaron ng kopya nitong series na to. Ayun. Ilang araw ko binasa to. Medyo naboringan kasi ako sa umpisa. Saka parang ang bagal ng takbo ng kwento. Pero sa totoo lang, tama lang naman din kasi pinapaliwanag yung laro mismo. Kumbaga e, binubuo pa lang yung storya.

Pero ewan ko. Inumpisahan ko to nung Linggo. Tapos tinigil ko rin matapos ang ilang kabanata. Tapos sinubukan ko uli noong Martes. Tinigil ko rin agad. Hanggang sa nagpasya ako na tapusin na ngayong araw tutal hindi ako pumasok saka may iba pa ako na gusto basahin. Oo, 179 pages lang to pero natagalan ako basahin. Hindi rin kasi ako mahilig sa strategy games kaya di ko rin ganong maintindihan yung paliwanag kung pano yung laro sa TALA. Sumuko nga ako sa DOTA noon e. Hahaha.

Mahilig rin ako magbasa ng horror. Basta may araw pa. Ayoko na paggabi na. Hahaha. Kasi matatakutin ako. Lol. Gusto ko yung itinakbo ng kwento. Pero sa bandang dulo na gumanda e. Kaya 3 stars lang ang naibigay ko. Pero okay sya. Syempre babasahin ko yung mga sumunod na libro tutal meron naman na ako'ng kopya. Hindi ko susukuan to'ng si Janus Sílang. Umaasa ako na mas maganda yung mga susunod na libro.

stellarpagess's review

4.0

Determinado na akong bigyan 'to ng at least 3 stars dahil nangangalahati na ang libro, nasa world building, flashbacks, at TALA terms pa rin tayo. Saka naman tayo binigyan ng napakaraming explanations. Info dump.

Pero nagustuhan ko ang mga naganap sa dulo. Ang daming twists, na hindi ko in-expect. Overall, nag-enjoy akong basahin 'to.

vanteslense's review

5.0

Sobrang gripping!! May mga pagkakataon na nabagalan ako sa pacing, pero baka nag-iinarte lang ako. Di ko inexpect yung mga twists sa dulo at excited na akong mabasa yung susunod na libro!!!

saisaki's review

5.0
adventurous tense fast-paced
Plot or Character Driven: A mix
Loveable characters: Yes
Diverse cast of characters: Yes
Flaws of characters a main focus: No

sparklesandnargles's review

4.0

Ang "Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon" ay isang makabagong nobela na tumatalakay sa isang napahalagang parte ng mga alamat ng mga Pilipino: Ang Tiyanak. Ngunit hindi lamang ito tungkol roon sapagkat kasama rin sa istorya ang tungkol sa paglalaro ng computer games, pag-aaral at pakikitungo sa pamilya.

Isang madilim na mundo ang pinasok ng awtor sa kwentong ito. Madilim, ngunit napakaganda. Ang paglalarawan sa mga karakter ay mahusay kaya't madali mo silang ma-iimagine, pati na rin ang mga tagpo sa kwento. Aaminin ko, natakot ako lalo sa ibang pangyayari sa kwentong ito sapagkat ako'y nakatira sa isa sa mga lugar na binaggit sa kwento kaya't talagang naisip ko na "paano kaya kung mangyari ito?". Napakagaling din ng nagawang pagsasama ng mga bagay na nangyari talaga sa realidad at mga bagay na nangyari talaga sa kwento. Para sakin, magaling ang awtor sapagka't nakuha niya ang aking atensyon at natakot ako sa librong ito.

Napapanahon rin ang mga ginamit na salita at talagang makaka-relate ang mga kabataan pati na rin ang mga bata sa puso. Nakakatuwa rin na mayroong libro na nagnananis mabalik ang atensyon at "curiosity" ng mga kabataan ukol sa mga alamat ng ating bansa. Oo nga't makabagong mundo na ito, ngunit mabuti pa rin na magbalik tanaw sa nakaraan at pag-aralan ang mga bagay na maaaring mas humubog sa iyo bilang isang Pilipino. Sana nga ay may English Translation rin ang libro upang maintindihan rin ng mga nasa ibang bansa, pero siguro, darating rin yun sa takdang panahon.

Madaming tanong na naglaro sa isip ko matapos basahin ang librong ito, kaya't lalo akong na-eexcite para sa mga susunod na installment pa ng librong ito. Sa 60 libro na nabasa ko ngayong mga nakaraang buwan, masasabi kong isa ang "Janus Silang at Tiyanak ng Tabon" sa pinakamaganda at talagang inuulit ulit kong basahin.

rhyds_reads's review

4.0

I agree with the sentiment na mahaba nga siyang prologue. Yung paunti-unting pagpapakilala sa mga nangyari para unti-unti mong pasukin yung isip ni Janus gaya ng isang bagani.

Ilang komento lamang. Ang daming nangyari sa bandang dulo, plot exposition galore, pero ganoon naman siguro talaga dahil nga unang aklat. Sobrang bilis lang talaga. Kaunting asar lang doon sa paulit-ulit na dilang-karayom ng manananggal kasi paulit-ulit. Di ko lang alam kung malaki ba yung papel ng imagery na ito sa mga susunod pang mga aklat.

Isa sa mga napansin ko ay yung mahusay na ortograpiya ng aklat din. Minor detail, pero fully appreciate.

Nakita ko naman ang sarili kong gustong basahin pa ang susunod na kabanata, so that’s a good sign. Tingnan natin ano ang mangyayari sa mga susunod pang mga aklat.