Reviews

Kapitan Sino by Bob Ong

aliveforbooks's review against another edition

Go to review page

adventurous challenging funny inspiring medium-paced

3.5

billy_ibarra's review

Go to review page

4.0

Magaan basahin at mabilis ang istorya kaya natapos ko sa isang upuan lang. Grabe rin ang tawa ko habang binabasa ito. May mga parte kasi na kuhang-kuha ni Bob Ong yung kulit ng mga batang bumibili sa tindahan, mga tsismosa sa daan, at magbabarkadang nag-aalaskahan.

Ang panahon sa kuwento ay post-EDSA People Power kaya mayroong mga part na need mong i-search sa internet (kung Gen Z ka, or millenial na hindi na naabutan ang sinasabi ni Bob Ong) para maintindihan mo, tulad ng kung sino si Jograd de la Torre at ano ba ang sabon ng mga artista.

Sa kalakhan, masaya siyang basahin. May sinasabi.

reighna's review against another edition

Go to review page

challenging funny medium-paced
  • Plot- or character-driven? Character
  • Strong character development? Yes
  • Loveable characters? Yes
  • Diverse cast of characters? Yes
  • Flaws of characters a main focus? No

4.5

littlepeterwabbit's review

Go to review page

emotional funny hopeful inspiring lighthearted reflective sad fast-paced
  • Plot- or character-driven? A mix
  • Strong character development? It's complicated
  • Loveable characters? It's complicated
  • Diverse cast of characters? Yes
  • Flaws of characters a main focus? No

5.0

It's a superhero book in a Philippine society setting.

jessiewinterspring's review against another edition

Go to review page

4.0

Maganda ang kuwento. Medyo nalito ako sa kagitnaan ng libro pero nag-enjoy pa rin ako, medyo nalungkot dahil sa naging takbo ng kuwento pero nakabawi rin ng huli.

thedexielkayreads's review against another edition

Go to review page

5.0

Laftrip yung isang part dun. HAHAH

sparklesandnargles's review against another edition

Go to review page

4.0

Hindi naman kailangan ng maraming tao para mabuo ang mundo mo. Minsan, isang tao lang, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay."
another good one from Bob Ong. fantasy + love + life lessons. it's so good. oh and I remember buying this during a field trip back in college...

sampiph's review

Go to review page

adventurous emotional funny medium-paced

4.25

teepee's review against another edition

Go to review page

2.0

It was ok :) unang Bob Ong book na nabasa ko kaya hindi ako nadisaappoint o masyadong natuwa ng mabasa ko siya. Hindi ko naman talaga bibilhin o babasahin to kung hindi binigay na assignment sa school.

johnnyboy23's review against another edition

Go to review page

5.0

Kung hindi mo kilala ang sarili mo, alam mo ba ang kaya mong gawin? At kung kilala mo naman ang sarili mo, gagawin mo ba ang dapat mong gawin?

Para sa akin, isang mahusay na naratibo ito ng kung ano ang kinalaman ng pagkakilala natin sa ating sarili, sa kung ano ang mga maaari nating maibigay para sa iba. Tunay nga namang hindi mo maibibigay kung ano ang wala ka. Pero, higit na trahedya kung hindi mo alam ang kung ano ang meron ka, na may potensyal na magamit para sa kabutihan.

Minsan iniisip ko, kailangan pa ba ng buhay ng isang superhero para maikwento kung ano ang kabutihan na kaya nating ialay para sa iba? Marahil. Ganoon ang tinahak na landas ng akdang ito para maiuwi ang ganoong punto. Ngunit hindi iyon dahil iyon ang pinakamahusay na paraan ng pagsalaysay roon, ngunit dahil, maaaring ang naisalaysay ay salamin ng tunay na nangyayari sa lipunan. Nagpapakatotoo lang si B.O. :)

Kaya, mahusay na itinambal ang mukha ng lipunan ng Pelaez sa buhay ni Rogelio. Parehong may mga nais gawin, ngunit ang isa ay maraming balakid sa pagtanto ng kung sino sila at ang kaya nilang maibahagi sa lipunan, at madalas na nalulunod na lang sa ingay ng tsimis, dumadagungdong na mga karaoke at iba-ibang gimik ng komersyalismo.

Ngunit ang mga pinakanagustuhan kong bahagi ng akda ay dalawa: ang maikling love story nina Rogelio at Tessa, na ang pagkatao ay tunay nga namang hindi nakikita sa panlabas ngunit naipaparating ng buong-buo sa sinumang bukas upang tanggapin at kumilala rito; at ang paghikayat ni Bok-bok kay Rogelio nang matuklasan ang kapangyarihan. Mahiyain si Rogelio, tulad ng karamihan sa atin tungkol sa ating mga talento, ngunit, matapang na sinabing ibibigay kung ano lamang ang meron. Hindi kulang, hindi rin lagpas sa ibinigay. Kung ano lang ang kaya ng kanyang kakayahan. At ang kakulangan? Iyon ay sasagutin ng ikaw at ako.