Reviews

trip to Quiapo: Scriptwriting Manual by Ricky Lee

ginpomelo's review

Go to review page

hopeful informative inspiring fast-paced

4.0

"Hindi ka tuturuan ng librong ito kung paano magsulat. Buhay ang gagawa n'on" - Ricky Lee

Sana maraming bumasa ng Trip to Quiapo, kahit walang balak maging scriptwriter o manunulat. Magkahalong manual ng screenwriting at collection ng iba't ibang anekdota at materyales na konekatdo sa Philippine Cinema, bumuo si Ricky Lee ng isang sincere at kahanga-hangang larawan ng industriyang pinaglaanan niya ng buhay sa mahigit tatlumpung taon.

Importante ang librong ito hindi lamang para sa mga cinephile kundi para sa mga naghahangad ng isang oral history tungkol sa Pinoy Cinema. Marami akong nakuhang insight tungkol sa paggawa ng kwento, at malamang ay babalikan ko uli ang librong ito kung sakaling magbabalak akong magsulat uli ng fiction.

Gamit niya ang pagpunta sa Quiapo bilang simbolismo ng iba't ibang paraan sa pagbuo ng script--madalas na masalimuot at puno ng magkahalong saya at sakit. Isa-isa niyang pinaliwanag ang mga elementong bumubuo sa pelikula, tulad ng story line, sequence treatment at 3-act structure at kung paanong ang pagsunod o pagsuway sa mga kumbensyon nito ay nakatali sa magiging pagtanggap ng audience. Nagsama rin sya ng mga sample ng script mula sa mga pelikulang nagawa na upang ipakita kung paano na-translate ang kwento mula sa pahina.

Malawak ang nararating na impluwensya ni Lee. Nakatrabaho na niya ang ilan sa pinaka-importanteng direktor ng kanyang panahon (Bernal, Brocka, Diaz-Abaya, at marami pang iba) at patuloy pa rin syang sumusulat para sa cinema at TV. Nagawa niyang mag-likom ng napakaraming ng mga interbyu at sanaysay mula sa iba't ibang direktor, producer, at scriptwriter, na para bang who's who ng industriya. Isang pagsilip na hindi nabibigay kung kani-kanino lamang. Makikita din ang kanyang partisipasyon sa paghubog ng bagong henerasyon ng mga scriptwriter, sa pamamagitan ng kanyang mga workshop at lecture. Ang mga estudyante ni Lee ay nagiging mga haligi sa entertainment industry.

Ang tunay na yamang makikita sa librong ito ay hindi nagmumula sa kanyang instructions tungkol sa structure ng isang script. Maraming librong gumagawa nito nang mas malaliman at mas detalyado, ngunit namumukod-tangi si Ricky Lee sa pagbibigay ng tunay na estado ng industriya ng pelikulang Filipino. Hindi strikto at standardized ang moviemaking sa Pinas, madalas nahahatak ang scriptwriter sa iba't ibang direksyon. May isang nakakatawang anecodte si Lee tungkol kay Mother Lily (producer ng Regal Films) at ang kanyang pagiiba-iba ng isip tungkol sa isang project.

Hindi rin sya natatakot pag-usapan ang mga mapapait na naging karanasan niya at ng ibang mga manunulat. Walang pagkakaiba ang ngayon at nakalipas na industrya--mahirap paring maging scriptwriter sa Pilipinas. Marami kang iiyakan, at hindi mo masisigurado na ibibigay ang nararapat na iyo. Kung iisipin hindi lang paghihikayat ang binibigay ni Ricky Lee. Warning din ito. Writing for the screen is not for the faint of spirit.
More...