Reviews

Oils by Stephen Sexton

moonscapist's review

Go to review page

5.0

Ang ganda.

Nadiskubre ko si Stephen Sexton last year, nang may mabasa akong article tungkol sa koleksiyon niya na gumagamit ng video game as central theme to discuss death/grief (na atat na atat na akong makuha since in-order ko sa bookdepository hehe).

Ngayon na lang ulit ako nagkaroon ng interes sa isang koleksiyon na umabot sa puntong nire-research ko ang bawat references/allusions na ginamit para mas lumalim ang relasyon/pagbasa/appreciation ko sa mga tula.

Akala ko wala na akong pake sa poetry nitong huling parte ng taon dahil hindi na ako natutuwa sa mga pinagbabasa ko. Oversaturation siguro. Malaking factor din na sinusubukan kong sabayan ang binabasa ng ibang mga tao para lang may makausap tungkol dito, without considering na ever since, solitary enjoyment naman talaga ang naibibigay sa akin ng pagbabasa in general.

Kaya na-realize ko rin, na mula ngayon, babasahin ko na lang ang gusto kong basahing mga libro, at wala akong pake kung nasa list ba ng classics o hindi, kung crowd favorite ba o hindi, basta pinili ko at gusto ko at curious ako kaya ako binasa/babasahin.

At sigurado rin akong babasahin ko pa ito nang paulit-ulit para lang pasukin ang mundo ng makata sa mga tula niya. At i-lowkey wish na taena, sana akin na lang brain cells neto, ang galing eh.

will_meringue's review

Go to review page

slow-paced

4.0

More...