scythefranz's review

Go to review page

3.0

Ang ganda ng mensahe.

sparklesandnargles's review

Go to review page

4.0

Marami nang nagawang librong pambata sa Pilipinas ngunit bukod-tangi ang Ikaklit sa Aming Hardin sapagka't tinatalakay nito ang isang bagay na kinukunsiderang "taboo" o bawal ng nakararami, lalo na kung librong pambata ang pinaguusapan: Ang pagkakaroon ng dalawang nanay.

Maganda ang pagkakasulat ng librong ito. Napakatoo dahil ipinakita ang maaaring maranasan ng bata sa ganitong sitwasyon, pero sa kabilang banda ay ipinakita rin na kahit ano pa ang isipin ng iba, normal pa rin ang ganitong sitwasyon. Yan ay dahil ang bawat pamilya, buo man o hindi, may magulang man na magkaiba ang kasarian o wala, ay may kanya-kanyang pinagdadaanan, kaya't hindi nararapat na husgahan ang isang tao base sa kung ano ang tingin ng nakararami na tama, ngunit sa kung anong klaseng tao sya.

Ipinapakita rin ng librong ito na maaaring mabuhay ng normal ang isang bata na lumaki sa isang di-kumbensyunal na pamilya. Kung puno ng pagmamahal ang isang tahanan ay siguradong lalaki ng masaya at lalaki ng tama ang isang bata. Kailangan lamang ipaliwanang ng mga magulang ang kanilang sitwasyon at kailangan palakihin ang bata na puno ng pagmamahal at pang-unawa.

Nakatulong rin ng malaki ang mga larawan sa librong ito upang gawing mas makabuluhan at mas nakakaenganyong basahin ito. Ang paglalarawan sa mga magulang ni Ikaklit ay tamang tama upang ipakita na ang iniisip mong imahe ng isang "tomboy" ay mali, at maaari pa ring ipakita ng isang tao ang kanyang pagiging katangi-tanging indibidwal, ano pa man ang kasarian o sekswalidad niya. Napakamakulay at napakaganda ng mga larawan dito kung kaya't siguradong matutuwa ang mga mababasa, at mabubuksan ang kanilang puso sa mga ganitong usapin.

Ma-eenganyo rin ang mambabasa na magpunta sa Baguio dahil sa paglalarawan sa nasabing lugar sa librong ito. Mula sa pagkain at iba't ibang tanawin, at sa mga napakagandang bulaklak, talagang maeenganyo ang mambabasa.

Karapat-dapat bang ipabasa ito sa mga bata? Oo, dahil habang maaga ay kailangan nilang matutunan na nararapat na irespeto ang iba't ibang klase ng tao, at iba't ibang klase ng pamilya. Habang maaga ay dapat mamulat ang mga kabataan sa mga ganitong isyu, at kung paano ito dapat kaharapin. Dahil tayo ay nabubuhay na sa makabagong mundo kung kaya't nararapat rin na mas maging bukas ang ating isipan sa mga ganitong bagay.

Ang Ikaklit sa Aming Hardin ay maituturing na isang magandang ebolusyon sa larangan ng literatura. Ipinapamalas nito na may mga Pilipinong handang tumanggap sa katotohanan na di lahat ng pamilya ay pare-pareho, at ninanais nito na mabuksan pa ang isipan ng mas maraming Pilipino sa mga ganitong usapin. Upang maging malaya ang isang bansa at ang mga tao nito, nararapat lang na maging bukas ang ating isipan, at matuto tayong tanggapin ang isa't isa sa kung ano at sino pa man tayo.

inilalahad's review

Go to review page

emotional hopeful inspiring lighthearted medium-paced

4.25

read this last year and ngayon ko lang na-log but i remember sobbing after reading this
More...