a_readsss 's review for:

4.0

Hindi ito ordinaryong kwentong pambata. Isang itong nakakikilabot na kwento.

1-4 Kabanata:
Hindi agad ako na-hook sa istorya dahil nga sa kabagalan ng takbo nito, ang factor nalang siguro ng pagpapatuloy ko sa kwento ay ang kinalaman ng TIYANAK.

Ang inaasahan kong takbo ng kwento ay iikot sa larong TALA, iyon bang papasukin ni Janus ang laro at mayroon siyang misyon na tatapusin. Ngunit nagkamali ako.

5-8 kabanata:
Dito na ako na-attach sa libro at dito rin ako nagsimulang kilabutan dahil sa pagpasok nung kuwento ni Renzo, kahit na umaga ko naman iyon binabasa.

9-11 kabanata:
O-my-gosh... matagal tagal na rin akong hindi nakababasa ng may mindblowing na plot twist. Dito ko naramdaman kung bakit madaming nagagandahan sa librong ito. At nang matapos kong basahin ito ay bigla bigla nalang akong nagdududa sa paligid ko.

Overall:

3.75 ang rating ko dahil sa nabagalan nga ako sa simula at andaming ibinabatong impormasyon at nakulangan ako sa resolution ng libro dahil minadali na ang mga pangyayari. Isa sa nagustuhan ko rito ay ang writing style ni Sir Edgar, medyo nakakita lang ako ng kaunti ng flaws sa grammar niya gaya na lamang sa paggamit ng 'ng' at 'nang'. At tawang tawa naman ako kung paano mag-text itong si Janus Haha! relatable.