A review by scythefranz
Si by Bob Ong

5.0



^Ako matapos basahin ang librong ito.

---------------------------------
May mga nabasa akong tweets/posts dati na tila naguguluhan at nagtatanong kung paano raw ba nila babasahin ang librong ito. Sisimulan daw ba nila sa umpisa? o sa dulo? Medyo nagtaka ako. "Hala, bakit?" ang usal ko sa aking sarili. Tapos nakita ko yung tweet ni Bob Ong. Sabi nya, basahin daw sa simula kasi ganon naman talaga binabasa ang libro. Nacurious ako lalo.

Kaya matapos ang ilang buwan ng pagpipigil sa sarili, binili ko na rin ang librong ito. At sa pagbuklat ko sa mga pahina, nalaman ko na kung bakit sila naguguluhan. Hanggang sa matapos ko ang Si at ang magsasabi ko lang ay: Basahin ang libro sa unang pahina at wag sa dulo dahil magmumukha lang kayong tanga kapag sa dulo nyo inumpusahan. Pwe!

Biro lang. Kanya-kanyang trip yan. Bahala kayo sa buhay nyo.

---------------------------------
Anyway, highway, maganda ang Si. As in, maganda. Iba ito sa mga naunang sinulat na libro ni Bob Ong. Seryoso ang Si at tumatalakay sa pag-agos ng buhay, ng mga pangarap, paghihirap, kasiyahan, kalungkutan, pag-ibig, pagkakaibigan at iba pang aspeto ng buhay ng tao. Napakaganda ng pagkakasulat na lalo pang nagbigay buhay sa kwento. Ang mga letra at salita ay animo isang masamyong hangin na dumadampi sa balat. Ang mga letra at salita ay tila tahimik na pag-agos ng batis. Maganda talaga. Hindi mahirap basahin at hindi rin naman masyadong mabulaklak. Basta.

Isa pa, kapana-panabik ang paglipat ng pahina. Yung tipong gustong-gusto mong tapusin agad pero ayaw mo rin. Gusto mo muna kasing namnamin ang bawat letra at bawat emosyon na nakapaloob rito. Kumukurot sa puso. Pa-minsan minsa'y naghahatid ng kasiyahan. Pero ang pinaka-tumatak talaga para sa akin ay ang pag-ibig. Ang PAGMAMAHAL. Na nailarawan at nabigyang-buhay ni Bob Ong sa nakakamanghang paraan.

Tapos, yung ending. Juskolord. Hindi ko masyadong naintindihan nung mabasa ko ng unang beses pero nung basahin ko ulit, ayun! Ayoko na lang magsalita. Nakaka-WTF. Masakit sa puso.

Basta basahin nyo ang librong ito sa umpisa, huwag na huwag sa dulo.