You need to sign in or sign up before continuing.

theengineerisreading's profile picture

theengineerisreading 's review for:

Anina ng mga Alon by Eugene Y. Evasco
4.0

Napakahusay ng pagkakahabi ng bawat salita at pangungusap, kasingganda ng mga tepo ni Unggoh.

Napansin ko rin na naging uniporme at napanatili ni Sir Eugene ang paggamit ng dagat (at mga salitang kaakibat nito) bilang metapora sa kabuuan ng kwento.

Mahusay rin ang gawa ng niredisenyong pabalat ng aklat na ito. Moderno at angkop.

Mamumulat ka sa realidad ng mga kapatid nating IPs, partikular na sa mga Badjao na binansagang mga anak ng dagat, at sa araw-araw nilang kinakaharap na problema (pangtustos, diskriminasyon, displacement, at pangmamaltrato.)

Mahahalina ka sa kwento ni Anina.