Take a photo of a barcode or cover
roseamongstories 's review for:
Si Janus Sílang at ang Tiyanak ng Tábon
by Edgar Calabia Samar
adventurous
dark
emotional
mysterious
tense
slow-paced
Plot or Character Driven:
A mix
Strong character development:
Yes
Loveable characters:
Complicated
Diverse cast of characters:
Yes
Flaws of characters a main focus:
Complicated
Aaminin ko medyo natagalan bago ako nakausad sa kwentong ito pagtapak ng ikalawa hanggang ika-apat o ikalimang kabanata. Bagaman, gripping ang kwento mula sa simula palang, off para sakin ang medyo draggy na eksposisyon ng aklat na ito, lalo na sa mga bahaging inilalahad ang lahat patungkol sa buhay ni Janus.
Tunay na halos walang naganap sa unang mga kabanata bukod sa pagkamatay ng ilan na nasaksihan ni Janus sa umpisa ng kwento; subalit sa unti-unting pagkalahad ng mga hiwaga at misteryo sa likod ng pagkamatay ng mga manlalaro ng TALA, napakaganda ng pag-unravel ng bawat detalye na ukol sa Tiyanak ng Tabon, ang pinagmulan nito, at kung ano ang kahalagahan ng larong TALA at ni Janus sa mga bagay na ito.
Napakaganda ng pagkakahabi ng kwentong mitolohikal sa teknolohikal na aspeto ng pang araw-araw na pamumuhay ng tao. Ang madetalyeng pagkakalarawan ng TALA ay siguradong makaka-lure sa sinumang gamer na basahin din ang librong ito. Iniisip ko na ngang pilitin ang SO ko na basahin ito, bilang isang adik din sa DOTA 😂
Nakakatakot paminsan, lalo na't ang linaw at detalyado ng pagkakalarawan ng mga nakatatakot na nilalang, lalo na ng tiyanak, sa aklat na ito. Natapat pa na binabasa ko sa kalagitnaan ng gabi ang kabanata kung saan unang nabanggit ang engkwentro ni Renzo sa Tiyanak. Halos di ako makatulog, at linga ako nang linga sa paligid ko, para bang may bigla ring susulpot na nilalang ng kasamaan. Nabigyan ng panibagong twist ang mga kwentong ukol sa mga nakatatakot na nilalang na panakot sa atin nang tayo'y mga bata pa.
Bagama't nakakaiyak at nakalulungkot ang pagtatapos ng aklat na ito, at panigurado ay may mas ilulungkot pa ang mga susunod na aklat, hindi parin ako makapaghintay na basahin ang mga susunod na aklat. Gusto ko nang matunghayan kung pano magagapi ni Janus, Mang Joey at Manong Isyo ang Tiyanak at lahat ng kampon nito.