A review by billy_ibarra
Liwanag: Mga Bagong Alamat by Meggysa Nine, Pauline Navarro, Keira Viresse, Marie Sinadjan, Roli Angelo Manuel, Charisse P. Sumalinog, Archeraye, Thea Veloso, Kavita Kasandra, Rennie Ann Salandanan

adventurous mysterious medium-paced

3.5

Binubuo ng mga kuwento tungkol sa mga duwende, tikbalang, kapre, aswang, bampira, bakunawa, at kung ano-ano pang nilalang na parte ng kababalaghan sa daigdig na ating iniinugan. Mayroon din tungkol sa alien. 

Nagustuhan ko ang ilang kuwento sa antolohiya, lalo na 'yung mga may cliff-hanger. Magandang nagawa ng mga manunulat na maging parte ng pagbubuo ng kanilang kuwento ang mga mambabasa. Sa ganitong paraan, nag-iisip ang mga mambabasa sa mga posibilidad na puwede pang mangyari sa kuwento. 

Bagama't iba-iba ang writing voice ng mga manunulat, kapansin-pansin na may mga kuwentong di masinsin ang pagkaka-edit ngunit mai-improve pa naman ito. Sana rin mayroong bionote ang mga kontribyutor upang mas makilala sila ng mga mambabasa.

Sa sampung kuwento, ito ang mga pinakagusto ko: Ang Bulak sa Kagabion by Meggysa Nine; Death Penalty by Marie Sinadjan; The Debate at Yakal Library by Keira Viresse; Pureblood Reset by Thea Veloso; at Simula by Charisse P. Sumalinog.