A review by billy_ibarra
Tatlong Sulok: Mga Tulang Hindi Ginitna by Jeff F. Ranoy

informative reflective fast-paced

3.75

Hindi palaging nasa gitna ang danas ng mamamayan, minsan nasa sulok lang sila, tahimik na namumuhay. Ngunit heto ang mga diyos-diyosan, nasa sulok na nga ang mamamayang nananahimik, itinataboy pa sila sa kung saan-saang sulok ng lipunan. Ang bunga: hindi mapipigilang tunggalian.

Palaban ang inihaing mga tula ni Jeff sa Tatlong Sulok; may kaliwa't kanan, itaas at ibaba, pero walang nakagitna. Hindi nagdarasal lang ang masa sa tula ni Ranoy, kumikilos din sila, tumitindig upang ipaglaban ang makatarungang sahod kapalit ng kanilang lakas-paggawa, sumisigaw ng hustisya sa buhay na nawala, nananawagang manindigan at lumahok sa pakikibaka.