A review by billy_ibarra
Maganda Pa Ang Daigdig by Lazaro Francisco

reflective medium-paced

2.75

Sa pagbabasa ng nobela, lalo na 'yung mga katulad nito na matagal nang naisulat (1955), mahalaga ring malaman ang kasaysayan ng Pilipinas noong panahong iyon---kung nasaan ba ang bayan, ano ang klase ng lipunang mayroon tayo, at ano-ano ang nagaganap noon. Sa kaso ng Maganda Pa ang Daigdig, nasa panahon ang nobela ng restorasyon ng bansa dahil sa katatapos pa lamang na ikalawang digmaang pandaigdig. Sariwang-sariwa pa ang digmaan sa alaala ng marami, kahit sa pangunahing tauhan ng nobela na si Lino Rivera na naging beterano pa nga ng digmaan bagama't walang nakuhang pensiyon dahil wala raw ang kaniyang pangalan sa listahan ng mga nakipaglaban, na isa ring inhustisya sa maraming beterano ng digma. Namamayagpag din ang Huk noon, lalo na sa Gitnang Luzon, na ang ilan ay nalihis na sa mga una nilang ipinaglalaban, bagay na nagpasama ng tingin sa kabuoan nila, na siyang makikita rin sa nobela, kaya halos wala kang makikitang maganda tungkol sa mga Huk dito. 

Naglalaman ang nobela ng pagbuwag sa tenancy system, reporma sa lupa, hanggang sa pagbuwag sa mga hacienda at papalitan ng pagbubuwis sa mga kasamรก. Pinangunahan ito ni Pari Amando sa kuwento nang ipamahagi niya ang kaniyang lupain na planong sundan ng isa pang "makataong haciendero" sa kuwento. Sa katotohanan, alam nating walang gano'n. Walang makataong haciendero. Kung may makataong haciendero, wala na sanang mga hacienda sa Pilipinas ngayon. Siguro nais lang ni Francisco na ipakita na puwedeng ipamahagi ang mga lupa kung gugustuhin, na hindi rin naman talaga ganap na nangyari sa kabila ng pagkakaroon ng reporma sa lupa. Malinaw kay Francisco na isang bukol sa lipunan ang tenancy sytem:

"๐˜๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ฏ, ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ง๐˜ฆ๐˜ถ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ด๐˜ฎ๐˜ฐ, ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ฉ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ฌ๐˜ณ๐˜ข๐˜ด๐˜บ๐˜ข! ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜จ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ."

At hanggang ngayon, sumisigaw pa rin tayo ng "Pyudalismo, ibagsak!" at "Hacienda, buwagin!" 

Hanga ako sa labis na pagtitiwala ni Lino sa pamahalaan sa kabila ng kaniyang mga dinanas na inhustisya. Marahil naniniwala si Francisco na masosolusyunan ang lahat ng bagay sa kaayusang isinulat niya sa nobela, na malayong-malayo sa mga sumunod na mga pangyayari sa ating bayan. Lalong lumaganap ang korapsiyon sa mga sumunod na taon, bagsak ang ekonomiya, mababang pasahod sa mga manggagawa, naghihirap pa rin ang mga magsasaka, maraming nakukulong na walang sala, at lalong lumala ang pagmamalabis ng mga may kapangyarihan. Kung may katangian mang hindi nawala sa nobela sa panahon ngayon, 'yun ay ang pagtutulungan, pagbabayanihan ng mga tao. Malinaw na hindi nawala ang birtud na ito sa ating lipunan magpasahanggang ngayon.

Hindi palaging napapalitan ng mabuti ang paggawa ng mabuti ni Lino at kalakhan pa nga ay masama ang ibinalik sa kaniya nito. Marami akong hindi sinasang-ayunang kaisipan sa nobela ngunit may pagtatagpo naman sa gitna. Naniniwala ako na hindi ibibigay basta-basta ang karapatan ng mamamayan, ipinaglalaban ito, pinagbubuhusan pa nga ng dugo, para sa pangarap nating magandang daigdig na siya rin namang pangarap ni Lazaro Francisco.