A review by billy_ibarra
Auslรคnder (mga danas sa Alemanya) by Al Joseph Academia Lumen

emotional inspiring reflective medium-paced

5.0

๐˜ข๐˜ถ๐˜ด๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ณ - ๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ˆ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ถ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜จ๐˜ข-๐˜ญ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ด; ๐˜ฅ๐˜ข๐˜บ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ.

***

Mahigit dalawang araw din akong patigil-tigil sa pagbabasa ng aklat ni Al, ninanamnam ang bawat sanaysay na nakapaloob sa kaniyang aklat, iniisip ang mga imaheng nabuo sa aking isipan. Nagustuhan ko ang paraan ng pagsusulat ni Al, wala itong preno at sinasabi ang gustong sabihin. Hindi nagpipigil at tapat sa kaniyang panulat. Hindi dramatiko na katulad ng tingin ng iba sa kung ano ang personal na sanaysay. May humor kahit sa mga seryosong usapin---isa marahil sa ugali nating mga Pilipino. Para ka lang kinukuwentuhan ng ka-lugar (gar) mo, ganoon ang pakiramdam. Maganda ang pagkakamapa ng mga danas. Nakaganda rin sa aklat ang paglalagay ni Al ng ilang larawan.

Isa akong taga-labas na napaloob sa aklat. Para na rin akong nakasama sa mga napuntahang lugar ni Al sa Germany. Para na rin akong nakisalo sa araw-araw na hirap at saya ng matatanda sa ๐˜ข๐˜ญ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ช๐˜ฎ (home for the aged), nakihalubilo sa mga kababayang Pilipino, nagpakuha ng retrato sa rebulto ni Rizal sa Wilhelmsfeld, naglakad sa Holocaust Memorial sa Berlin, dumamay sa ligaya at kalungkutang naranasan ni Aljo.

Tumatak sa akin ang danas ng pagiging caregiver ni Al sa ๐˜ข๐˜ญ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ช๐˜ฎ. Nakikita ko sa isipan ang mga matatanda, nahihirapan ngunit pilit ipinagpapatuloy ang mga nalalabing oras sa kanilang buhay. May ilang may dementia, may hirap nang makakita at makarinig, may hirap nang makatayo, may hindi na makatayo, may naghihintay na lang ng kamatayan. Nasabi ko na lang na kahanga-hanga ang mag-asawang Al at Arlene. Napakahirap aralin ng salitang Aleman, hindi uubra doon kahit magaling kang mag-English dahil pinahahalagahan nila ang sarili nilang wika, kaya isipin mo na lang kung gaano kahirap mag-adjust sa wika pa lang habang nag-aalaga ng matatanda. At ang pinakamahirap sa lahat, ang malayo sa mga mahal sa buhay, sa bayang sinilangan, at mamuhay sa isang bansang kinikilala mo pa lamang. 

Naging mahirap din ang pamumuhay nina Al sa gitna ng pandemya sa Germany. Hindi ko na ito ikukumpara sa atin dahil sadyang napakalayo ng agwat ng health care system at tugon ng gobyernong Aleman sa pandemya kumpara sa tugon ng gobyerno natin. Tinanaw ito ni Al at nangarap din siya na sana nararanasan din ng Pilipinas ang maayos na health care system, na malayo pang mangyari dahil napakaatrasado natin sa napakaraming bagay. Ngunit sa pagbabasa ng aklat, bumalik sa alaala ko ang dalang horror ng pandemya. Naalala ko ang maraming kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kahit pa nga naka-face mask at naka-magic face shield tayo; naalala ang walang kakuwenta-kuwentang late-night talk ni  Digong; ang panawagang mass testing na hindi pinakinggan ng DOH; ang Chinese neighbot at Train to Busan post ng mga mukhang ewang mga DDS; ang mahahabang pila kahit saan; ang kakulangan sa ayuda; ang pagsikil sa batayang karapatan ng mamamayan habang may pandemya. Naalala ko kung gaano ka-bullshit ang pagtugon sa pandemya ng rehimeng Duterte. May inggit ka na lang na mararamdaman na ang layo-layo ng agwat ng health care system natin kumpara sa ibang bansa. 'Ika nga, mayaman naman ang Pilipinas ngunit naghihirap ang sambayanang Pilipino. 
 
Pinaluha rin ako ni Al sa isang parte ng aklat na hindi ko na ikukuwento pa. Iyon na siguro ang pinakamabigat na bahagi na walang takot niyang ibinahagi. Parang gusto ko siyang tapikin sa balikat dahil naramdaman ko rin ang sakit na kaniyang naramdaman. 

Marami ka pang ibang makukuha sa pagbabasa ng Auslรคnder na hindi ko na lang siguro sasabihin pa. Hayaan na lang natin na ikaw ang magbahagi ng danas mo sa pagbabasa nito.

Salamat sa pagbabahagi ng danas mo, Al. Isa itong mahalagang akda na dapat mabasa ng ibang nais magsulat o nagsusulat ng personal na sanaysay.