A review by phoibee
It's a Mens World by Bebang Siy

5.0

I did not expect anything before I read this book then this became one of the books that I enjoyed reading cover to cover.


Ito ang mga post ko sa discussion sa Pinoy Reads Pinoy Books
oo, recycle haha

Tungkol kay Bebang
Naririnig-rinig ko lamang ang pangalan niya pero di ko pa nasubukang basahin ang kanyang mga gawa. Nakita ko pa man din yung libro niya nung MIBF, di ko pa binili!
Natuwa ako dun sa mapa dahil sa notes tugs tugs tugs tugs

Naalala ko yung [b:Catch A Falling Star|321752|Catch A Falling Star|Cristina Pantoja-Hidalgo|http://d202m5krfqbpi5.cloudfront.net/books/1281801548s/321752.jpg|312469] ni [a:Cristina Pantoja-Hidalgo|3407502|Cristina Pantoja-Hidalgo|http://d202m5krfqbpi5.cloudfront.net/authors/1269423724p2/3407502.jpg] kasi parehong pinoy na bata at coming of age yung istorya kaso lang yung kay Christina English at middle class yung bidang si Patricia samantalang mas pang masa yung kay Bebang. :D

It's a Mens World
SpoilerNoong hindi ko pa nabasa miski yung buod, akala ko yung ‘mens’ dun sa libro eh sinadyang mali kasi akala ko maling English yun kasi nga bata yung nasa cover haha.

Ayun nakarelate agad ako sa kwento. May mga kapatid kasi ako, naglalaro na parang walang bukas at yung mens haha

Pinakita rito ang sibling rivalry na bihirang mawala sa pamilya. Yung iba kasing magulang pinapakita na mayroon silang paborito, yung iba naman pinagkukumpara ang mga anak o minsan sadyang naiinggit sa atensyon /competitive lang ang mga bata.

At yung paghihigpit ng magulang lalong lalo na yung tatay pagdating sa manliligaw. Pumi pick-up lines tong si Michael eh haha
SpoilerBa’t nakikipaghabulan ka pa sa ‘min? Me gusto kasi akong habulin

Ang sweet pa rin ng puppy love.
Wala nga lang akong ganyan dahil puro pinsan ko mga kalaro ko haha

Yung mga magulang ko nurses kaya siyensya ang pinapairal habang yung lola ko syempre pamahiin pero hindi naman napaka-hard core ng lola ko para pagawain ang mga di namin gusto. Sinabi niya yun pero di namin ginawa.

Naalala ko yung mga laro nung bata pa ko at di ako pwedeng mapagod nang sobra dahil sa hika haha. Hindi ko nga pala alam yung shake shake shampoo, hindi ko naabutan o hindi nakaabot sa probinsya namin? haha


Nakaw na Sandali
SpoilerNaawa ako sa kanya dahil sa diskriminasyon (kahit naman siguro ng ibang lahi di lamang ng mga Chinese). Ipinakita yung tradisyon ng mga Intsik at yung tradisyon natin ng pagpaparusa.

Ang parusa sa min dati pinapalo kami ng lolo ko gamit ang stick, sa pwet. At isang beses, hindi ko makakalimutan, tinago ko yung stick haha


Asintada
SpoilerPasaway na bata haha Yan maganda rin sa bata minsan. Nung bata tayo parang wala tayong kinakatakutan eh

Hindi ko alam yung cherry balls, hindi na naman ba nakaabot sa probinsya namin? haha


Kwits
SpoilerAng dami ko talagang hindi pa alam gawin. Wala akong alam na sugal. Pano kasi taong bahay ako tapos yung mga magulang ko di rin nagsusugal (which is a good thing). At palaging malas yung nanay ko sa mga ganyan ganyan kaya ayaw na ayaw niya talaga haha.

May kanya-kanya lang din namang kinakaadikan (o passion) ang mga tao, sadyang delikado lang pag nasosobrahan. At tama ka KD, na karma siya.


Pinyapol
SpoilerAng sasabihin ko lang eh mother knows best. Kasi inutusan syang magdala ng tubig sa baunan bago umalis di ba? :)

At yung hindi nakakasiguro sa mga street foods pero ayun masarap bumili eh haha


Ang Lugaw, Bow.
SpoilerAng masasabi ko lang: ang kwento'y simple lang pero nakakaantig ng puso.


Bayad-Utang
SpoilerHindi na nga kailangang humingi ng tawad sa kasalanan noon pero parang na-konsensya siya sa ginawa niya kaya bumabawi siya.

Bedwetting
Hindi ako nagising na basa ang kama. Palagi akong nagigising pag naiihi, naaalala ko kasi tuwing gabing gabi natatakot akong lumabas ng kwarto para umihi haha. Siguro naka-lampin naman nung mas bata pa.


Shopping
SpoilerNatuwa ako rito kasi 2 pahina lang napakita na yung kahalagahan ng pera sa pagkukuripot ng nanay niya tsaka yung 3 perspectives ng tao
Spoiler1 bilang isang ina gusto niyang palakihin yung anak niya na gaya ng pagpalaki sa kanya, 2 isang bata na siyempre mas gusto palagi ang magaganda at bagong mga gamit, 3 at yung sales lady na mukhang nababagot na at gustung gustong umuwi


Agree ako sa inyo na mas maigi kung MAS ang anak kaysa sa magulang kasi kung hindi, parang wala rin silang naranasan o natutunan noon. Siyempre ang tao for improvement naman talaga dapat at hindi patalikod ang hakbang.

Kung yung sa gamit magdadagdag lang ng kakarampot, di na sana ipagkait sa bata kung mas maganda naman yung quality. Ngunit kung talagang kapos, ayos lang din at eventually mauunawaan naman ng anak yun (at least meron siya at hindi niya na kailangang manghingi sa mga kaklase).


Hiwa
SpoilerHindi ako masyadong kumportable sa pagbasa nitong maikling kwento. Ewan ko, baka kasi masyadong sensitibo sa kin ang nangyari.

Sa tingin ko hiwa dahil hiwa ang chapters, hiwa kaya sya nagkaroon ng dugo at hiwa dahil sa ano niya >.<

Yung chine-check up siya, napaka dyahe namang nakasilip lahat at wala na siyang matatago.

Gusto ko yung ideya ng painting o art work sa kisame para naman hindi ka masyadong conscious at nerbiyosin kung ano man ang kalikutin sa'yo.

Carton cutter din naging trabaho ko noon haha.


So Ayaw Mo Sa Palayaw Mo?
SpoilerSimula noong bata pa ako hassle na ang pagpapakilala. Banyaga kasi at hindi pa common kaya hirap na hirap silang basahin. Maski mga teacher "Pobi" ang basa. Automatic na itinatama ko "Feebee po" (hanggang college). Tapos ang ilan hirap intindihin, ilang ulit talaga dapat hanggang sa magsesettle na lang sa "Pibi o P.B." pagod na ko eh. Ayun tapos noong high school "Poybi", "Foybi", "Fobi" at kahit anong gusto nilang itawag wala akong pakialam haha. wala, gusto lang nilang bagu-baguhin ang tawag, gusto lang mang-asar/maging close sa kin. Syempre meron ding "Phoebs/Fibs". Pero talagang "Pb" at "Phoebe" ang natitira. "Ebe" o kaya "Bi" tawag ng nanay ko.

Tatay ko ang nagpangalan sa kin. Kinuha sa pattern ng ate ko na P ang simula. Nakita lang niya sa dictionary.


Super Inggo
SpoilerAyun nahilo lang ako sa Fookien words haha
Tulad ni jzhunagev may kakilala rin ako. Kaso nga lang hindi siya Chinese pero malamang-lamang na magiging ganun din siya. Grabe kasi workaholic. Buti na lang ngayon medyo natututo na rin siyang magrelax.
Nakakainspire din minsan ang mga ganyang tao, san kaya sila nakakahugot ng motibasyon/inspirasyon?
pahabol lang: ang lungkot naman ng fixed marriage kung hindi sila nagkagustuhan :(


Ang Aking Uncle Boy
SpoilerDati ang mga ka-close ko yung mga pinsan ko sa father side, sila yung mga kababata ko. Ngayon yung mas close ko yung sa mother side. Hindi ko alam kung bakit napalayo na sa kabilang side, siguro kasi pagtanda magkaiba na ang mga hilig.

Ang cute ng Marne Marino. :)
Wala akong kilalang seaman pero ang palaging mga kaklase ko may seaman na tatay. Tulad ng katabi ko dati. Naaawa ako kasi minsan lang sila magkita ng tatay niya tapos pagdumarating ito tuwang tuwa siya.


Sibuyas
SpoilerAng hindi pagpansin sa mga nahulog na patatas ay tulad ng di pagpansin sa mga bulok o pangit na side ng ating bansa. Kumbaga mga nakagawiang hindi na mabago. Tulad ng namamalimos o nagnanakaw. Isama ko pa ang sistema ng lipunan.
Namulat si Bebang sa katotohanan ng buhay. Syempre pag bata ang ituturo sa iyo ay ang kabutihan at kasamaan pero malalaman mo na lang na may blindspots pala.


Sa Ganitong Paraan Daw Namatay si Uncle Dims
SpoilerAng natutunan ko sa crim law ay the mere penetration of the labia constitutes rape.

Sabi ko nga sa sarili ko kung mayroong mangyaring parang ganyan sa kin, sasapukin ko sya o kaya tatadyakan kung saan pinakamasakit.

Di naman ako kagandahan pero ilang beses na ko naka encounter ng mga bastos. Iisa lang sinabihan ko nito pero banggitin ko na rin dito(wala namang mangyayari), parang ganun din nangyari sa kin pero sa ibang sensitibong parte ng katawan at hindi kamag-anak ang manyak. Sabi ko dati sasapukin o tatadyakan ko kaso kapag nasa sitwasyon ka na, iba talaga ang pakiramdam at lahat nung sinabi ko di sumagi sa isip ko. Nanlalamig buong katawan at di makagalaw o makaisip--ganyan ang pakiramdam. Dahil hindi kasi normal, nasa state of shock ka pa nakaalis na kung sinoman yun. Ngayon naimprove tuloy ang reflex actions ko pero pag hindi mo kasi akalain o biglaan, wala talaga, wala.

Baka kaya may 'daw' dahil ang mga uncle dims ay hindi pa patay o mamamatay.


Nakakapagtakang Nagtataka Pa
SpoilerAng galing ni Bebang. Ano nga ulit ang tawag sa ganitong paraan ng pagsulat?

Ipinakita rito kung paano nakakaapekto sa mga anak ang paghihiwalay ng mga magulang.

Tingin sa mga mag-asawang naghihiwalay?
siguro sa sobrang palagayan ng loob, nagkasawaan na sila. Parang wala na kasing bago, ganun.

Hypothetically speaking, pag ako ay isang partido ng hiwalayan *katok* *katok* ipapaliwanag ko sa mga anak ko na iba naman ang role ng tatay at ang role niya bilang isang asawa. Kung naging mabuti siyang ama, papaliwanag ko kung pano siya naging mabuting ama. Kung hindi naman mabuti, hindi ko naman sila ipagkakait. Siguro para hindi masyadong malala ang pasalit-salit, dapat maghiwalay kami bilang magkaibigan para pag magkikita hindi sobrang trauma ang mga bata. O kaya naman magkaibigan sa iisang bahay pa rin. Kung magkaroon ng panibagong mahal, siya na ang humiwalay sa bahay.

[Hindi yan mangyayari sa kin, tatanda kaming magkasama (kung sino man yun haha). Naniniwala kasi ako sa law of attraction baka may mangyari pag sinulat ko yun ^ na walang pangontra HAHA.]

Sa tingin ko hindi naman selfish dahil papano kung di na talaga pupwede? Parang isang banga(vase?) na nabasag, mahirap buoin ang mga pira-piraso. At kung mabuo man, hindi na tulad ng dati.

(syempre ang mga sagot ko ay batay sa sarili ko lamang, hindi ko naman alam ang pakiramdam ng mga taong nasa hiwalayan/mga anak nila)


Milk Shakes and Daddies
SpoilerNaging shock absorber si Bebang. Ayos lang naman maglabas ng sama ng loob pero dapat sa tamang paraan o kaya sa tamang tao. Marahil walang masabihan ng problema ang kanyang tatay. Naawa ako, dinaan na tuloy niya sa pagsipsip ng milk shake dahil wala rin siyang magawa.

1) Tama ba ito?
Sa tingin ko hindi. Hangga't maaari dapat sigurong hindi sinasabi sa bata ang masasamang bagay na ganyan. Sobra na nga ang hirap na naranasan niya sa paghihiwalay ng magulang niya. Tsaka nanay niya yun eh. Mahirap pa naman, ang bata madaling maniwala sa mga sinasabi ng mas nakatatanda.

2) Kung kayo si Bebang noong mga panahong iyon, magsasalita ba kayo?
Siguro oo, medyo pasaway kasi ako at baka masagot ko siya.

3) Totoo ba na ang babaeng mahahaba ang buhok ay nangaakit ng lalaki?
Hindi ko alam. Baka yan ang preference ng tatay ni Bebang haha

Sa mga sinabi ng tatay niya sa kanya, sa tingin ko may feelings pa siya tsk tsk. Bitter eh haha.


First Date
=.= next topic HAHA

Ang Piso
SpoilerAyoko ng LRT at MRT dahil sobrang napipisa ako kaya araw-araw kong tinatyaga ang halos 2 oras sa bus papuntang trabaho. Hindi pa naman ako nakaranas ng overpricing pero ang palagi ko lang nararanasan ay yung ibabalik nila yung iba sa binayad ko tapos ibababa na sa ibang lugar dahil ako na lang ang pasahero. [Nakakainis kapag sasabihin nilang hanggang city hall lang sila o kaya naman Lawton, eh kaya nga ako sumakay ng Taft para diretso na. >:( nakakaparanoid lang pag gabi ]

Naalala ko yung essay ni Lourd de Veyra na Attack of the Killer Buses!

Napakita rito ang karakter ni Bebang, palaban. Nakakatawa kasi halatang halata na, lumulusot pa ang drayber. Pero nakakainis dahil may mga taong ganito.


BFFx2
SpoilerNung gradeschool wala akong kaibigan. Ako kasi yung taong hindi niyo nakikilala, yung tipong di nakakausap at yung kaklaseng kilala lang sa pangalan. Introvert kasi ako (hanggang ngayon pero unti-unti ko nang binabago ang aking sarili). Pinipilit pa ko ng teacher ko noon na makipaghalubilo, sa loob loob ko naman ay iritang irita ako! Ayun grade 6 ang una kong true friend, si Joanne, tapos noong graduation iyak ako nang iyak. Umalis kasi siya, papuntang Saudi.
Noong highschool, sa awa ng Diyos, nagka 3 akong kaibigan na hanggang ngayon ay nagkikita-kita pa kami. Tapos nadagdagan pa kaibigan ko nung College. :D


Emails
SpoilerNahirapan akong intindihin agad ito haha 2 beses ko pa binasa. Parang nagbabasa kasi ng bawal, parang chismosa na third party

Sinu-sino ang namatay sa pamilya o kaibigan ninyo na labis ninyong dinamdam? Bakit?
Yung lolo ko. Siya na kasi yung super close kong lolo, paborito rin ako nun dati. Nai-spoiled pa ko dati at lahat ng trip niya ako yung sinasama niya. Ako rin taga timpla niya ng kape. Tapos kapag pinapagalitan ako, inis na inis ako. Pero nung nawala siya, na-miss ko yung nagagalit siya sa kin. Nung inililibing na siya, ako yung humahagulgol talaga. Dun ko lang narealize na di ko na siya makakausap, di na makakapagkwentuhan at di na makikita.


Yey~ tapos na.
nakakatuwa rin yung pasasalamat :D

~~~***~~~

edited:
I met her :D
descriptiondescription
Feevee ang bago kong nickname haha