A review by scythefranz
Lumayo Ka Nga Sa Akin by Bob Ong

5.0

"Higit sa mga prestihiyosong pagkilala, mas kailangan ng libro ng mga mambabasa."



Kakabasa ko lang ulit nito nung isang araw (may nakita kasi kong nakahambalang sa kwarto ng pinsan ko) at ang masasabi ko lang "Love is lovelier the second time around". Hahaha! Pero seriously, natawa pa rin ako sa pagbabasa ng librong ito. Maraming beses. At nasaktan rin dahil medyo tinamaan ako sa mga hirit ni Bob Ong. At humanga rin dahil ang galing nya napansin at naisip pa nya yon, I mean, yung mga sinulat nyang panunuligsa.

Nahahati ito sa tatlong kwento. Yung una hango sa tipikal na Filipino-action movie. Yung pangalawa sa title pa lang alam mo nang Shake, Rattle and Roll ang ginaya. Tapos yung pangatlo, re-hash ng Marimar. Pang-script ang writing style na ginamit ni Bob Ong since parang hinango nga sa movie yung tatlong kwento.

Preach-y na kung preach-y pero sa aking pakiwari'y tama naman yung mga napansin at naisip ni Bob Ong sa mga bagay-bagay sa mundo (kasi napansin ko rin at alam kong napansin nyo rin); tungkol sa mga pelikula, mga libro, tv, media, etc. Ginamit nya ang librong ito para isambulat sa atin ang mapapait at masasakit na katotohanan tungkol sa mga nabanggit sa itaas (at sa hindi rin nabanggit sa itaas). Yun talaga siguro ang point ng Lumayo Ka Nga Sa Akin, dinaan nya lang sa mga kwento para maiba naman at para talagang entertaining.