A review by billy_ibarra
(H)istoryador(a) by Victor Emmanuel Carmelo D. Nadera, Jr.

informative reflective slow-paced

2.5

Ayon sa blurb ng aklat, "Pinaghalong peryodismo at panitikan, ang kasaysayang ito ay kuwentong diyurnalistiko at pampanitikan.". Tinatawid ng nobelang ito (na di-nobela) ang kasaysayan ng Pilipinas mula pa man noong bago tayo sakupin ng mga Kastila hanggang sa panahon ni Fidel V. Ramos (FVR) sa pamamagitan ng pagkukuwento ni Minerva Centenario at pakikipagkuwentuhan niya sa iba pang karakter. Maganda ang paghahalo ng mga fiction at non-fiction na mga pangyayari sa kasaysayan---tila pagkakasaysayan ng mga kasaysayan patungo sa isa pang kasaysayan. 

Sa totoo lang, hindi ako sanay magbasa ng ganitong klase ng akda na maraming ibinatong impormasyon na ang hirap i-absorb kaya kailangan mong pag-isipan ang bawat bahagi, minsan pa nga e bawat linya. Information overload malala. Kapag binasa mo ito, kailangan mong intindihin ang mga nangyayari dahil minsan, di mo alam kung nasaan ka nang bahagi ng kuwento: nasa kasalukuyan ka ba o nasa nakaraan? Bakit nandito na ako gayong naroon lang ako kanina? Saan patutungo ang kuwentong ito? Minsan mahihilo ka pasikot-sikot pero bandang dulo'y maiintindihan mo rin kung paano ka napunta sa puntong iyon.

Kung gusto mong maaliw lang, hindi ito ang aklat para sa 'yo. Pero kung gusto mong matuto, para sa 'yo 'to, at kailangan mo talagang pag-isipan ang kuwento hanggang sa dulo.