A review by billy_ibarra
Mula sa Puso (ilang akdang pag-ibig: ibig, umiibig, at umibig) by C.L. Balagoza

emotional fast-paced

2.5

Marami sa atin ang umiibig at umibig, minsang naniwala at minsang nalinlang, minsang kumapit sa habambuhay na pag-ibig ngunit hindi rin pala magtatagal, o minsa'y nananatili na lang na lihim-na-damdamin at nasa isang tabi. Ngunit magkagayunman, pinipili pa rin nating umibig anuman ang kahinatnan nito. Sa ganitong mga sitwasyon uminog ang mga karakter ni C.L. sa kaniyang kuwento. Naipamalas niya na bagama't may madilim na nakaraan ang isang tao, posible pa rin ang pagsulong; kahit nagkahiwalay kayo, may mga alaalang babalikan sa huli. Hindi nakaka-in love ang mga kuwentong pag-ibig sa zine na ito, bagkus nagpapakita ng ibang mukha at epekto ng pag-ibig---sawi man ito sa huli.

(Sa apat na kuwento, "Si Yuri at ang Alaalang Alanganin" ang pinakatumatak na  sa akin.)