A review by billy_ibarra
Uhaw by Kyle Cherifaith Bago

emotional fast-paced

3.5

Sabi ng pinsan o tita ko, hindi ko na maalala kung sino ang nagsabi, kaya tinawag na Uhaw ang Uhaw ay dahil sa tuyot na tuyot ito noon, parang disyerto, walang tubig na mainom kaya kailangan pang pumunta ng mga residente sa mga kalapit na lugar para makakuha ng tubig. Ngayon, isa nang maunlad na lugar ang Uhaw (Brgy. Fatima). Nakatutuwang may nakaisip gawing tula ang lugar; sa kung paano kumakapit ang alikabok ng Uhaw sa kanyang mga paa, hanggang sa traffic na susuongin makapunta lamang sa bayan. Nakasulat sa wikang Bisaya ang kalakhan sa mga tula kaya matinding effort ang kailangan para maintindihan ito ng isang hindi naman native speaker na kagaya ko. Mayroon din mga tulang nakasulat sa Ingles. Nakadagdag din sa ganda ng zine ang paglalagay ng mga larawan. Kapag madaraan ako sa uhaw, maaalala ko ang mga talinghaga ni Cherifaith tungkol dito, panigurado. Uhawawawaw!