A review by nostalgicweirdo
56 by Bob Ong

4.0

Hindi pa rin nawawala yung "magic" sa bawat pagkakataon na nababasa ko ang libro ni Bob Ong. Sa 56, nagsilbi siyang Kuya ko kahit na matanda na ako. Nandoon pa rin yung humor niya at kuhang kuha niya ang kababawan ko sa comedy at sobrang gaan lang niya basahin.

Kung babasahin mo ito ngayong 2024, nakakamangha at nakakalungkot na ang mga isyung binabanggit ni Ong sa 56 ay hanggang ngayon ay isyu pa rin.

Gusto ko siya basahin siguro sa susunod na apat na taon at gusto ko malaman kung yung mga isyu na binanggit niya ay pinoproblema pa rin ba ng bansa ngayon.