A review by vance_31
Lumayo Ka Nga Sa Akin by Bob Ong

4.0

Ikalawang pagbabasa. Taong 2021.

Ang librong ito ni Bob Ong ay binubuo ng tatlong kuwento. Parang screenplay ang pagkakasulat ng mga kuwento.

Nakakatawa naman ang pagkakasulat ni Bob Ong dito. Naalala ko no'ng una kong binasa 'to, ang daming beses kong natawa. Malinaw na malinaw rin sa isip ko 'yung mga nangyayari. Para talagang pelikulang Pilipino. Malilibang ka talaga. Maganda rin ang mga ideya sa kuwento. Marami kang matututunan. May sense talaga.

Oo, maganda ang mga punto, kaso hindi ko gusto ang pagkaka-deliver. Ang naging dating ay preachy. Oo, minsan effective ang ginamit niyang writing style, kaso mas marami ang instances na awkward. Siguro mas mae-enjoy ko ito kung ang pagkakasulat ni Bob Ong ay kagaya ng sa Stainless Longganisa, Ang Paboritong Libro ni Hudas, at 56.

Pero dahil nga magaganda ang mga punto ni Bob Ong (iyon naman ang mas mahalaga), worth it pa ring basahin ang librong ito. Isa ito sa mga pinakamalaman niyang libro. Maraming masasakit na katotohanan.

Magsama kayo ng palitaw mo sa impiyerno!