Take a photo of a barcode or cover
A review by goesbyhenry
Ang Bangin sa Ilalim ng Ating mga Paa by Ronaldo S. Vivo Jr.
5.0
Hindi nagmamaskara ang tunay na kriminal. Hindi na nila kailangan ng maskara gayong estado mismo ang nangangalaga sa kapangyarihan nilang mang-abuso ng kapangyarihan. Ang mga tunay na kriminal, standard-issue ang armas na bayad ng buwis ng taumbayan, naka-asul at naka-tsapa.
Matapang na inilalahad ni Vivo sa nobelang ito ang kahungkagan ng mga pulis. Kahungkagang alam naman natin, pero parang lagi nating nalilimot; o hindi natin sinisino hangga't hindi tayo ang mismong biktima.
Napakahusay ng pagkakalatag ng plot, natural ang daloy ng dialogue, buo ang mga tauhan. Maayos na nawakasan ang iba't-ibang subplots na sinimulan, pero nagawa pa ring manggulat sa huli.
Magaspang at marahas ang nobela, ngunit hindi nito natabunan ang likas na talento ni Vivo sa pagkukuwento.
Sabik na mabasa pa ang ibang kuwento sa loob ng Dreamland.
Actual rating: 4.5 stars