A review by jemielguevara
56 by Bob Ong

5.0

Ang librong pangmatanda para sa mga bata...

Ang pahina nang bawat henerasyon na napagdaanan ng isa sa aking paboritong manunulat at ang mga aral na napulot niya sa paghimpil dito. Isang rak en rol na manual on how to be a grownup.

Simple, walang dyahe at swabeng pagkukwento. Light at nakakatawa as always na may biglang turn into serious thoughts, pero hindi yung awkward. Parang siya tulad nang dati at siya na nagbago na (yun tipong "same old brand new"). Sa matagal kong pagbabasang kanyang mga aklat, napansin ko yung pagbabago ng thoughts niya. Siguro dahil na rin sa pag-usad niya sa daloy ng panahon at paglawak ng kaisipan niya. 23 pa lang habang sinusulat ko ito at masasabi kong hilaw pa ako sa maraming bagay sa mundo. Ngunit matagumpay niyang naiparatingang mensahing nais niyang ipabatid.

Ang librong ito ay ukol sa mga napagdaanan niya sa buhay, point of view niya sa maraming bagay at pasilip sa kanyang personal na buhay (pag-ibig, pamilya and stuff). Dito ko na-realise na andami na ngang nagbago in terms na parang dati siya yung barkada mo na masarap kakuwentuhan pero ngayon para siyang barkada/tatay/tito na maraming baong payo. Ganito yung naramdaman ko habang binabasa ko ito, tapos may mga reaction sa akong "may ganito", "may ganyan" na siya. Nakakatuwa lang.

Maraming topic ang napagusapan, mga ideolohiyang tinalakay. May mga pagkakataon na agree pero meron ding hindi. But I don't resent it but respct and acknowledge it instead. Gaya nga ng nais niya iparating, hindi niya nais hilahin ang isang tao sa paniniwala niya sa politika, relihiyon mga pananaw at iba pa. Nais lamang niyang mag-ambag ng kaunting kaalaman upang lumawak ang pag-iisip. Kung duda ka daw sa kulay ng kuwento niya, ito ay dahil sa iyong personal bias at idolatry o sobrang paghanga. Ang tunay na pagpapalawak ng kaisipan ay hindi nasusukat sa pag-ko-confirm ng mga bagay na iyo lamang pinaniniwalaan dahil dito ka komportable. Ito ay ang pagtanggap sa iba't-ibang panig, pagtimbang-timbangin, unawain at irespeto.

Ang masasabi kong pinakafavorite part ng libro (halos lahat oks sakin) ay ang huling part: mga pabaon, hints & tips, life hacks na pwede nating magamit sa ating pagtahak sa landas na atin pa lamang tatahakin. Nakakatuwa, nakakainspire at ewan - basta ang sarap mag-look forward sa kung ano man ang haharapin ko sa hinaharap na walang kasiguraduhan.

P. S.
Maganda yung mga love quotes niya. Legit - hindi yung galing sa fake FB page niya.