A review by christinerubio
Si by Bob Ong

inspiring lighthearted reflective medium-paced

5.0

wow. first time ko makabasa ng story in reverse timeline at masaya ako na I did. nakapahusay ng pagsulat, bob ong really has way with words. napakagandang basahin ng mga salita at nakakatunaw ng puso malaman kung paano nakatadhanang magtagpo ang dalawang tao, na alam na ang isa’t isa ang gustong makapiling sa habang buhay. napagisip-isip ko lang na totoo ngang wala pa akong gaanong alam sa pag-ibig at duda ako na kailanman ay maiintindihan kong lubusan kung anong ibig sabihin nito, gayunpaman masayang isipin na may kakayahan akong magmahal at mahalin, na mabuhay kasama ng isang taong pipiliin ng puso kong makasama. ano pa ang hihigit sa pag-ibig? kung walang pag-ibig, sino ako?