A review by billy_ibarra
Presyong Bente by Sammie Catapang

informative reflective fast-paced

3.0

Ibinalik ako ng zine na ito sa mga alaala kung kailan ako nakapulot ng bente. Noong anim o pitong taong gulang pa lang ako, naaalala kong nakapulot ako nito at ipinambili ko ng Dragon Ball Z na teks. 'Ayun, pinalo ako pag-uwi ko, haha. Nito namang recent lang, nakapulot uli ako ng bente sa CCF pero mas pinili kong ihulog na lang ito sa offering box. Maraming beses na akong nakapulot ng bente at hindi ko na maalala kung saan ko nagastos ang iba: kung sa mahalagang bagay ba, pandagdag sa pamasahe, o wala lang.

Tama ang manunulat sa kaniyang introduksiyon, noong bata pa tayo, malaki ang bente para sa atin ngunit habang umeedad, lumiliit nang lumiliit ang halaga nito. Katulad noon, isa itong papel na ngayo'y barya na lang (literal). Sa susunod, huwag kayong maniniwala na gagawing bente pesos ang bigas. 

Koleksiyon ito ng tula, hindi lang tungkol sa presyong bente; puwede rin na tungkol sa pag-usad ng edad, sa 20/20 vision, at iba pa.