A review by billy_ibarra
Sansaglit by Lean Borlongan

emotional sad fast-paced

4.5

"๐˜ˆ๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ-๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ
๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ด๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ
๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฌ๐˜ข, ๐˜ต๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ
๐˜ด๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ." 

Sadyang puno ng kontradiksiyon ang daigdig, maging ang pag-ibig na nais nating maramdaman o makuha pabalik. Minsan makokontento na lang tayong magmahal mula sa malayo, sa isang gilid, makita ang minamahal na masaya kahit nasa piling siya ng iba. O di kaya'y magmahal nang walang hinihinging kapalit, sumulat nang sumulat ng tula para sa lihim nating pagtingin. Sa aklat na ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐˜ ni Lean Borlongan, tila isang walang-hanggang paalam ang umibig. Batbat ng kontradiksiyon, walang lugar ang makasariling pag-ibig, bagkus dapat ito ay makauri, may materyal na batayan, naninindigan, nagpupuna at nagwawasto, nagpapanibagong-hubog.

Walang ipinapangakong kahit ano ang aklat. Kahit na paulit-ulit kang mabigo at mawasak, lumaya ka, magmahal muli, tumula saan ka man dalhin ng paglalakad.