Take a photo of a barcode or cover
louiselle 's review for:
Si Janus Sílang at ang Tiyanak ng Tábon
by Edgar Calabia Samar
Three stars dapat. Nakumbinsi ko na ang sarili ko na ‘yon lang ang ibibigay ko bago ako magpunta ng Goodreads at i-upload itong review, pero itinaas ko siya sa four the last minute. Sasabihin ko sa inyo kung bakit.
Binabasa ko ito pagkatapos ng online class, ‘yong tipong imbis na tumulala ako sa kawalan e ’di okay, sige magbasa na lang tayo nang mabilisan. Inunti-unti ko lang. Nakakatulugan ko pa nga madalas e.
Ang totoo kasi niyan, bukod sa naiinip ako sa umpisa, naguguluhan rin ako. Nalilito ako kung ano na ba talaga ’yong nangyayari. Kapag kasi may nangyayaring eksena, ang layo ng naaabot ng mga paglalarawan kaya para akong tsinelas na ibinato sa dagat—palutang-lutang, kung saan-saan nadadala ng alon, hanggang sa nakakalimutan ko na kung ano na ba talagang nangyayari. Naligaw ako nang maraming beses. Maraming ipinapaliwanag, e. Pero naiintindihan ko naman kasi simula ito ng series. Sineset-up pa lang.
Inabot pa ng ilang kabanata bago ko naintindihan ang nangyayari. Kaya ‘yon, binasa ko ulit hanggang sa halos makabisado ko na ang mechanics ng TALA kahit hindi naman ako interesado sa videogames. Doon ko napagtanto na oo nga, ang bagal nga ng simula. Alam kong marami nang nakapagsabi nito, pero nakakainip kasi. Hindi ito ‘yong tipo ng nakakainip kasi boring—hindi. Nakakainip ’to kasi ang dami kong tanong sa isip pero wala pa ring nangyayari. Kailan ba uusad ‘tong kwento?
Noong nakita ko kasi ang book cover, inaasahan kong magiging action-packed ang Janus Silang. Pero hindi. Itong unang libro, napakaikli niya para sa akin, wala masyadong ganap—introduksyon lang talaga ng buong series sa kabuuan. Pero hindi naman ako nagrereklamo.
Kung may reklamo man ako, ito ‘yon: wordy siya at times, at halos paulit-ulit na ang mga sinasabi. Mga bagay na alam ko na naman at naipaliwanag na noong una. Pero napakaliit lang na reklamo noon, at hindi ako nito napatigil sa pagbabasa.
‘Di bale nang mabagal at nakakainip ang umpisa. Para sa akin, bawing-bawi ‘yon ng huling 35%. Naipaliwanag naman lahat nang maayos, nalaman ang mga dapat malaman. Unti-unti eh nararamdaman ko na rin ‘yong dilang-karayom dito sa may puso ko, at mas na-a-appreciate ko si Janus bilang tauhan.
At oo nga pala, kung wala pang nagsasabi sa inyo, ‘wag n’yo ‘tong basahin sa gabi. Bininge read ko ‘to ng madaling araw habang nag-iisa ako sa kwarto, at que barbaridad. Patawag-tawag ako sa tatay kong nasa kabilang kwarto kasi sa may gubat kami nakatira, at malay ko ba kung mayroong tyanak na nanonood sa akin mula sa butas ng kurtina?