A review by scythefranz
Jumper Cable Chronicles: Si Santa Anita by E.K. Gonzales

3.0

Mabilis lang basahin ang Jumper Cable Chronicles: Si Santa Anita dahil straight-forward at diretso lang ang takbo ng istorya. May mga back stories, syempre, para mas maunawaan natin ang mga tauhan sa kuwento pero solido at alam ng libro ang misyon nito.

Hindi man naging ganoong ka-detalye ang paglalarawan sa world-building patungkol sa dimension o parallel worlds, naging sapat at mahusay naman ito. Pag dating sa mga tauhan, nakulangan ako sa personal connection sa kanila pero hindi ko maitatanggi na may kurot sa puso ang ibang eksena at pangyayaring nabasa ko rito sa libro.

Maganda rin ang pinakitang social relevance ng libro lalo na iyong patungkol sa paniniwala ng mga tao sa faith healer na sumisimbolo ng panibagong o alternatibong pag-asa. Na sa huli ay parang humantong na sa fanaticism. Nariyan din yun pagmamahal ng isang ina sa anak at anak sa ina na talagang umantig sa aking puso. Ramdam ko yung pag-aalala ng ina ni Dino kay Haya.

Bilang isang Bulakenyo na rin siguro, hindi naman ako na-boringan sa translation. Ayos nga s'yang basahin kung tutuusin. Sa huli, gusto ko ang naging climax at resolution na ipinakita at inilahad ng Jumper Cable Chronicles: Si Santa Anita