A review by billy_ibarra
Bakit Hindi (Sa)Sabihin? at ilang akda ng mga dapat nasabi by C.L. Balagoza

emotional fast-paced

2.5

Binubuo ang zine ng apat na kuwento tungkol kay Syd Boromeo---isang bakla---at kung gaano kahirap ang mga bagay-bagay sa kaniya. Nariyang nahihirapan siyang sabihin ang kaniyang tunay na nararamdaman para sa kaniyang best friend, may makaka-match ba siya sa Bumble, ano ang pinagdaanan niya noong bata pa siya sa kamay ng kaniyang ama na gusto siyang ituwid (dahil nga bakla siya at hindi straight), at ang kaniyang mga hinanakit na dinadalang mag-isa sa haba ng panahon. Puwede itong gawing aklat kung dadagdagan at dudugtungan pa ni C.L. ang kuwento ni Syd.