A review by billy_ibarra
Parang Kayo Pero Hindi by Noringai

funny lighthearted fast-paced

2.0

Mga sanaysay tungkol sa pseudo relationship (parang kayo pero hindi, situationship na raw tawag ngayon), MU (mukhang ulul), puro landian lang, pangangabit, secret on, at sa mga tatanga-tanga sa pag-ibig (o sadyang pumapayag sa malabong setup). Sure ako na marami ang naka-relate dito dahil more than 20k copies ang nabentang kopya nito. Sa dami ba naman ng malalandi sa Pinas, ewan ko na lang. Joke. Haha. 

Nakakaaliw ang sulat ni Noringai: may wit at humor. Nga lang, may mga sanaysay na anlayo sa pamagat, o sadyang walang kinalaman sa aklat. Sa una lang 'yung tungkol sa binanggit kong paksa ng aklat, the rest wala nang kinalaman. Pero natuwa naman akong basahin ito kahit papaano, kahit na hindi ako maka-relate sa mga sitwasyong nakapaloob sa mga sanaysay. At hindi ko naman pinagsisisihang binasa ko ito. Sabi nga sa last part ng aklat, "Huwag mong pagsisihan kung nasarapan ka naman." Masarap namang basahin kahit papaano.