A review by vance_31
56 by Bob Ong

5.0

Ngayong binasa ko 'to sa ikalawang pagkakataon, may mga bago uli akong natutunan (halimbawa, kapag may batang ayaw sa iniregalo mo sa kanya, bigay mo na lang 'yung regalo sa ibang bata, at 'yung batang maarte na 'yon ay regaluhan na lang ng isang kilong okra). At malamang meron uli kapag binasa ko pa nang ikatlong beses.

Malaking tulong ang librong ito sa 'kin at siguradong pati sa ibang kabataan dahil talagang napapanahon ang mga napag-usapan dito. Gusto ko kung paano pinasilip ni Bob Ong ang buhay ng isang matanda at pamilyado. Nakakalibang at may punto ang mga sinasabi niya. Siguro kapag nasa gano'ng edad na 'ko, babalikan ko 'tong libro na 'to (maliban na lang kung magiging marupok ako at ipapahiram ko 'tong libro sa iba at akala nila maganda rin sa mukha ang hardbound kaya hindi na nila isasauli). Sa libro ring ito ko pa lalong nakilala si Bob Ong. Tingin ko sapat na ang pagbabasa ko ng mga libro niya para makilala ko siya. Ewan ko ba kung ano'ng trip ng iba't gustong-gusto nilang malaman ang totoong identity ni Bob Ong. Basta hindi siya si Eros Atalia. Si Eros Atalia ay si Batman, siya na rin ang may sabi. Pero kung trip n'yo, bahala kayo. Good luck. lol.

Hindi ko ugaling magbasa ng mga ganitong uri ng libro. May exception lang kapag si Bob Ong ang nagsulat (alam ko hindi siya matutuwa sa 'kin sa ugali kong 'to. lol) .