A review by kent_alvarus
Kapitan Sino by Bob Ong

4.0

Kung hindi sa ganitong panahon ko siguro nabasa itong maliit na librong matagal na ring nakatambak sa bookshelf namin, baka 3 stars ang ibigay ko. Pero dahil nakuha ako ni Bob Ong sa huling mga bahagi ng kwento na pumatungkol sa epekto ng pandemya at pumahapyaw sa kakupalan ng nasa pamahalaan, na kamukhang kamukha ng estado ng bansa ngayon, 4 stars sa akin ang Kapitan Sino.

Isa pa, na miss ko yung sense of community sa mga magkakapitbahay; yung ingay at gulo at payabangan ng mga magkukumare, yung mga naglalarong bata sa kalye, at mga temang tungkol sa komunidad na wala pang mataas na rate ng accessibility sa technology, na tipong pati commercial ads sa tv ay isang uri pa ng libangan.

Masarap ding makabasa ng kwentong set sa 70s to 80s ng Pinas sa ganitong taon. Wala pa ako noon, pero isa lang ang naramdaman ko: nostalgia.