A review by billy_ibarra
Hinahanap: Katapat na Puso by Ofelia E. Concepcion

hopeful informative medium-paced

4.0

Love story na umiikot din sa unfair labor practices, padrino system, unyonismo, at pagkakaisa ng mga manggagawa upang kamtin ang tagumpay sa kanilang mga hinaing.

Vice-president ng Royal Printing Workers Union si Merlina, parte naman ng management ang kaniyang boyfriend na si Arden. Dito pa lang, may banggaan na ng prinsipyo ang dalawa. Conflicting na agad. Grabe sagutan nila sa isang parte ng kuwento: 

"𝘐𝘣𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘵𝘸𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘴𝘪𝘵𝘸𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘮𝘰."

"𝘐𝘺𝘰𝘯 𝘯𝘨𝘢, 𝘦. 𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘰 𝘢𝘬𝘰 𝘮𝘢𝘶𝘯𝘢𝘸𝘢𝘢𝘯. 𝘋𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘪𝘣𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘵𝘸𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘮𝘰 𝘴𝘢 𝘴𝘪𝘵𝘸𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯. 𝘉𝘰𝘴𝘴 𝘬𝘢, 𝘣𝘪𝘯𝘶𝘣𝘶𝘴𝘢𝘣𝘰𝘴 𝘬𝘢𝘮𝘪."  

Sa unyon makakasama ni Merlina si Daniel, ang presidente ng kanilang unyon. Mahusay na lider manggagawa si Daniel---hindi padalos-dalos sa desisyon, hindi nagpapasya nang mag-isa bagkus laging tinitimbang ang pasya ng kolektiba, iniisip ang higit na makabubuti para sa nakararami at inihuhuli ang sarili. Magiging malapit sina Daniel at Merlina dahil sa unyon.

Ikakasa ang welga dahil hindi sila pinakikinggan ng management kahit ilang ulit silang nakipagnegosasyon, may mga mangyayaring conflict sa personal na buhay ni Daniel, maghihiwalay sina Merlina at Arden, magtatagumpay ang ipinaglalaban ng unyon, at magbabalik sa kuwento ng pag-ibig ang daloy. 

Hindi lang background ang unyonismo ag welga sa kuwento kundi parte ito ng mismong kuwento. Napaka-powerful ng mga linyahan ng mga tauhan, tulad nitong linya ni Merlina noong pinahihina ang loob nila ng management:

"𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘳𝘰𝘰𝘯 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘩𝘪𝘩𝘪𝘯𝘢 𝘯𝘨 𝘭𝘰𝘰𝘣 𝘢𝘺 𝘭𝘢𝘨𝘪 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘯𝘥𝘢𝘢𝘯---𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘢𝘴 𝘯𝘢 𝘶𝘳𝘪 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰 𝘢𝘺 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘭𝘢𝘭𝘢𝘣𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘳𝘪𝘯𝘴𝘪𝘱𝘺𝘰 𝘢𝘵 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘺𝘶𝘮𝘶𝘺𝘶𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘴𝘶𝘣𝘰𝘬. 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘨𝘢 𝘣𝘢'𝘵 𝘯𝘢𝘵𝘶𝘵𝘶𝘬𝘰𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘢𝘴 𝘯𝘢 𝘶𝘳𝘪 𝘯𝘨 𝘨𝘪𝘯𝘵𝘰 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴 𝘥𝘶𝘮𝘢𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘢𝘱𝘰𝘺? 𝘐𝘺𝘢𝘯 𝘵𝘢𝘺𝘰, 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢. 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘶𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘵𝘢𝘬𝘣𝘰 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘣𝘢𝘯 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘯𝘢𝘣𝘪𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘪𝘭𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘢𝘭𝘶𝘭𝘶𝘱𝘪𝘨!"

Madulas ang daloy ng kuwento kahit andaming conflict---love triangle, conflict sa pamilya, trahedya, between sa management at unyon, at sa kanilang mga sarili. Kahit nakasunod ang wakas ng kuwento sa kung ano ang isang tipikal na romance novel, kontento ako sa naging ending nito. Nabigyang-hustisya ang lahat ng tauhan, naitaas ang uring manggagawa sa kalakhan ng kuwento.