A review by elle_unamme
Stainless Longganisa by Bob Ong

5.0

"Pangalawa, hindi mo rin naman kasi kailangang ayunan nang buong-buo ang bawat opinyong nababasa mo. Natuwa ka man o nainis, ang importante e apektado ka. Tinubuan ka ng pakialam na dati ay wala."

Unang libro ko ito ni Bob Ong at ang hiling ko lang ay sana matagal ko nang binasa ang mga libro nya. Talagang sang-ayon ako sa linya nyang iyon tungkol sa pagkakaroon ng pakialam. Natumpak niya yung mga kadahilanan kung bakit mahalaga na marami tayong mabasang iba't ibang opinyon. Marami ring naging patama sa akin ang librong ito, lalo na ang mas pagtangkilik sa gawa ng ibang lahi kaysa sa gawa ng sariling lahi. Ikinahihinayang ko ang mga kilala kong talentadong Pinoy pero ako rin naman ang isa mga sanhi ng kakulangan sa pagpapakilala sa kanila.

Maganda ang libro na ito para sa mga gusto mabuksan ulit ang isip sa kakayahan nating mga Pilipino, at maganda rin ito sa mga panahon na wala pa tayong mapaglagyan sa buhay. Dahil may mga karanasan ang manunulat nito na kanyang ibinahagi tungkol sa pagsusumikap sa ating mga pangarap.