booksniff_'s profile picture

booksniff_ 's review for:

4.0

Sobrang ganda ng storya. Para akong ginayuma gaya ng pang gagayuma ng TALA online sa mga manlalaro nito. Noong una ay hindi ko maintindihan ang mga nangyayari hanggang sa lalo pa ako nakaramdam ng pananabik malaman ang katotohanan. Unti-unting ibinunyag saakin ng libro ang sagot sa aking mga katanungan. Halong cringe (sa pagiibigang Mica at Janus), excitement, kilabot, at takot ang naramdaman ko. At onting pagkatuwa sa nga bagay na sa tingin ko ay nakarelate ako lalo na sa text format nila Janus, Mica, at Joey. Pati na rin sa mga GM.

Nakakatuwang makapag basa muli ng akda ng isang Filipino Author makalipas ang higit sampung taon. Napakagaling ng pagkakasulat, mabusisi sa mga detalye patungkol sa mga lugar, direksyon, at kaganapan na nag eexist at nangyari talaga sa Pilipinas.

May mga bagay lang ako na hindi kinatuwaan nung una, ang mga ibang detalye sa mga teacher na sa tingin ko naman ay hindi makabuluhan sa estorya, Ito ay para pahabain lamang ang aklat. Noong una ay hindi rin ako natuwa sa mga backstory, ngunit sa aking patuloy na pagbabasa napag alaman kong ito ay may kinalaman naman pala talaga sa kwento.

Ang plot twist ay kakila-kilabot, noon palang sa interview sa chapter 3 na hindi si Boss Serj ang nasa TV ay kinilabutan na ako lalo pa nung plot twist na