A review by katonthejellicoe
Ipinanganak Akong Bakla At Ilan Pang Mga Akda by Gerald Gruezo

emotional funny mysterious reflective tense fast-paced

5.0

"At higit sa lahat, kung hindi siya sumakabilang-buhay, alam kong sa araw na magdesisyon akong ibuka ang pakpak ko, alam kong yayakapin niya ako at gagabayan sa paglipad patungo sa tunay na ako." - Gerald Gruezo, Ipinanganak Akong Bakla

Hindi pa man nailalabas ang libro, alam ko na agad na bibigyan ko ito ng 5 stars. At oo, bias ako dahil ang awtor na ito ay isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko. PERO - pagkatapos kong isara ang chapbook na ito, napagtanto ko na hindi naman pala kailangan ng bias para maipagmalaking si Gerald Gruezo ay isang mahusay na manunulat. Pinaluha ako ng unang dalawang sanaysay, tinakot ng sumunod na dalawa, at kinilabutan sa panghuling kuwento.

Nagsisimula pa lang si Gerald, pero buong-puso akong naniniwalang malayo ang mararating ng kanyang pakpak.

Proud ako sa'yo, Gerald the Author!