A review by marielmpabroa
Bahay ni Marta by Ricky Lee, Ivan Reverente

emotional hopeful reflective sad fast-paced
  • Plot- or character-driven? A mix
  • Strong character development? Yes
  • Loveable characters? Yes
  • Diverse cast of characters? Yes
  • Flaws of characters a main focus? No

4.0

Totoo nga ang sabi ni Mr. Bienvenido Lumbera na kagila-gilalas magkwento si sir Ricky Lee. 

Noong binili ko ang librong ito, wala akong alam tungkol sa buong plot ng istorya. Kaya nang mabasa ko ang unang parte ng libro, tila nag-alangan ako sa patutunguhan ng kwento. Itinigil ko pa ang pagbabasa ng isang araw, ngunit dahil sa kagustuhang mabasa ang patutunguhan ng kwento, binasa ko ulit ito. Sa tingin ko, ito ang kakaibang bagay na hindi mo maikakaila sa mga gawa ni sir Ricky— sobrang galing n'yang maghabi ng kwento na dahilan para hindi mo maibaba ang libro o kung naibaba mo man ito, babalik ka ulit sa pagbabasa nito. 

Isa sa pinakagusto kong parte ng libro ay ang mga pahina patungo sa huling parte nito. Sobrang galing ng pagkakasulat ni sir Ricky Lee kung saan parang eksena sa pilekula ang mga nangyayari kung saan nagka-cut sa iba't ibang character ang mga paragraph at kung ano ang ginagawa nila hanggang makarating sila (at pati na rin tayong mga mambabasa) sa pinakamataas na parte ng kwento. Dahil dito medyo napaluha talaga ako.

Siguro ang medyo hindi ko lang nagstuhan sa kwentong ito ay ang paiba-iba ng pacing ng kwento. Minsan kasi nasa past tense ang pagkakasulat, tapos nag-iiba na naman, napupunta sa present tense o kaya'y perfect present tense. Minsan nag-iiba rin ang POV ng kwento dahil may pagkakataong nasulat ito, lalong-lalo na sa huling parte ng kwento, na galing sa 3rd POV ay naging 1st POV ito. Ang huli kong critique sa kwentong ito ay
ang paggamit sa karakter ng bahay dahil may mga pagkakataon sa kwento na sigurado akong hindi alam ng bahay, katulad ng mga pangyayari sa ospital kung saan dinala si Nay Marta.
Iyon lamang at nawa'y makatulong ang kaunting review na ito.