Scan barcode
A review by billy_ibarra
Salamรญsim by Yanin Kwerl Pimentel, Yanin Pimentel
adventurous
dark
mysterious
tense
fast-paced
4.0
๐ด๐ขโข๐ญ๐ขโข๐ฎ๐ชโข๐ด๐ช๐ฎ
๐๐ข๐ฉ๐ข๐จ๐ช ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฏ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ช๐ต๐ข: ๐๐ข๐ฏ๐จ๐ฏ๐จ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ
๐๐ข๐ฉ๐ถ๐ญ๐ถ๐จ๐ข๐ฏ:
1. ๐๐ถ๐ฏ๐ช๐ต๐ข ๐ฐ ๐ข๐ญ๐ข๐ข๐ญ๐ข ๐ต๐ถ๐ฏ๐จ๐ฌ๐ฐ๐ญ ๐ด๐ข ๐ข๐ฏ๐ถ๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ถ๐ฎ๐ช๐ฑ๐ข๐ด ๐ฐ ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐ณ๐ข๐ข๐ฏ; ๐จ๐ถ๐ฏ๐ช๐จ๐ถ๐ฏ๐ช ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ญ๐ถ๐ฎ๐ช๐ฑ๐ข๐ด.
(๐ฉ๐ต๐ต๐ฑ๐ด://๐ฌ๐ธ๐ง๐ฅ๐ช๐ฌ๐ด๐ช๐บ๐ฐ๐ฏ๐ข๐ณ๐บ๐ฐ.๐ฑ๐ฉ/)
Nagpipilat sa isipan ng mga bata ang kanilang mga sugat ng kahapon. Habang sila'y lumalaki, lagi nilang maaalala ang pinagmulan ng mga pilat na ito. Bagama't tuloy ang buhay, nagbubunga ang mga bagong masakit na danas ng panibagong sugat na daragdag sa kanilang mga pilat. Sa nobelang "Salamรญsim" ni Yanin, malalim ang pinagmulang sugat nina Edong at Ana (mga kabataang palaboy sa Maynila) na nagmarka sa kanilang mga isipan upang patuloy sila nitong multuhin at paulit-ulit na saktan. Sa kaso ng isa pang pangunahing tauhan na si Julian, hinahanap niya ang kasagutan kung bakit pinatay ang kaniyang ina. Isa rin sa mababasa sa kuwento ang paghahanap sa mga batang nawawala at pinapatay ng di-kilalang salarin.
Naghahalo ang misteryo at realidad sa nobela---hindi maintindihan ng mga tauhan kung guniguni lang ba ang kanilang nakikita o katotohanan. Sa mura nilang isipan, nakikita nila ang mga multo ng kahapon sa kanilang harapan. Naalala ko rito ang nobelang "Bata, Sinaksak, Isinilid sa Baul" ni Tony Perez na mababasa sa "Cubao-Kalaw Kalaw-Cubao: Mga Premyadong Akda". May pagtingin ang nobela sa sikolohikal na kalagayan ng mga bata na may naging malaking epekto sa kanilang pagtanda. Malaking salik din ang lipunang pinagmulan ng mga tauhan sa Salamรญsim upang humantong ang mga kabataan sa masalimuot na buhay sa lansangan.
Maituturing na noir ang nobela sa walang pagtitimping pagpili ni Yanin ng mga salita at tapat na pagtalakay sa kriminalidad, prostitusyon, child labor, at samut-saring problemang kinahaharap ng mga batang lansangan. Naipakita rin sa nobela ang pyudal na pagtingin ng mga matatanda sa mga bata na hindi pa ito nakakaintindi, na wala pa itong alam, na ang batang babae ay dapat kumilos nang naaayon sa kung ano ang idinidikta ng lipunan. Mahusay ang akda bilang unang nobelang naisulat ni Yanin at naniniwala ako na mag-i-improve pa siya habang tumatagal.