A review by billy_ibarra
Dugtong: Literary Works from Sarangani by Hannah A. Leceña, May Pearl R. Martinez, Crisbel M. Florino, Carlou Barroca Espedillon, Xyra Jo Musa Apolinar, Norvia Miranda Engcong, Kyle Cherifaith Bago, Mary Divine Escleto, Martsu Ressan M. Ladia, John Dave B. Pacheco, M.J. Cagumbay Tumamac, Xaña Angel Eve Musa Apolinar, Kenneth Dave M. Dalimbang, Leo Jay Dublas

informative fast-paced

2.5

Nakita ko ang zine na ito bilang pagpapakilala sa mga miyembro ng Sarangani Writers League (SWL). Iba-iba ang nilalaman---may tulang nakasulat sa wikang Ingles, Filipino, at Bisaya, at mayroon ding mga prosa. May love poem, may akdang nagpupugay sa pagiging isang babae, may tumatalakay sa sariling laban sa kanyang loob, at marami pang iba. Kung hindi ka native speaker ng Visayan language, mahihirapan kang intindihin ang dalawang tulang narito na nakasulat sa wikang Bisaya. Kung may kakilala kang marunong mag-Bisaya, much better. Magpaturo ka. Pero kung mag-isa ka lang, matuto kang gumamit ng online translator o kung anupaman para maintindihan mo ang mensahe, though hindi ganoon ka-accurate ang mga online translator.

Ilang beses ko nang napalampas ang pagbili ng zine ng SWL, kaya noong nakita kong available ito sa PBF, binili ko na. Natuwa naman ako na may kopya na ako nito.