A review by vance_31
Stainless Longganisa by Bob Ong

5.0

Binasa ko nang pangalawang beses ngayong 2021.

Ito na ang huli kong pakikipagkuwentuhan kay tito Bob Ong ngayong taon. Binasa ko uli ang mga libro niya ngayong taon, puwera sa Si na binasa ko no'ng December 31, 2020.

Gusto ko ang pokus ng librong ito - pagsusulat. Bata pa lang ako, alam ko nang may pagmamahal na ako sa literatura. Mas nabuhay lang ito no'ng mabasa ko ang unang libro ni Bob Ong. Lagi kong sinasabing si Bob Ong ang dahilan kung bakit ganito ko kamahal ngayon ang literatura. Isa siyang malaking impluwensiya sa 'kin bilang manunulat.

Una ko itong nabasa, hindi pa 'ko sumusulat ng mga nobela. Marami akong natutunan dahil may mga punto ang nilalaman ng libro. Ngayong nakapagsulat na 'ko ng dalawang nobela (at under din ng isang pen name na hindi ko sasabihin), binasa ko ulit 'to. Bilang manunulat, mas lalo kong na-appreciate ang librong ito at may mga bago na naman akong natutunan. Siguro ganito naman lagi sa pagbabasa ng kahit na anong libro sa ikalawang pagkakataon. Lagi kang may bagong nakukuha.

Ito ang maganda sa paraan ng pagsusulat ni Bob Ong dito - balanse ang katatawanan at mga aral. Sabi nga sa libro, may dalawang layunin ang mambabasa sa pagbabasa - ang malibang at matuto. Dahil sa kakayahan ni tito Bob sa pagsusulat, nadadale ng mambabasa ang dalawang layuning ito.

Bukod sa pagsusulat, syempre pinag-usapan din ang mga libro. Nalibang ako sa mga part na 'yon, at may pa-trivia pa. Nice. Ayos din 'yung humor lalo na sa mga gawaing pangsanaysay. Gusto kong sagutan. JK.

Ayon. Sana magsulat uli si tito Bob ng iba pang mga libro. Gusto ko pang makipagkuwentuhan sa kanya.

Hindi para sa tamad ang pagsusulat.