A review by vance_31
Kapitan Sino by Bob Ong

5.0

Tatlong beses ko na ata 'tong binasa, pero gandang-ganda pa rin ako. Ito dati ang paborito kong libro ni Bob Ong, pero McArthur na ngayon. Hindi naman sa bumaba na ang kalidad ng kuwento nito para sa 'kin. Mas minahal ko lang ang McArthur ngayon. Hahahaha

Gaya ng karamihan sa mga libro ni Bob Ong, hindi ito boring. Maganda ang execution at ayos naman ang character development. 'Yung mga nakakatawang banat ay effective, gaya nu'ng "Super Stength" na scene (imo). Hahahahah (Pero mas nakakatawa pa rin 'yung 'Beautiful Movies' sa McArthur). Gusto ko rin kung pa'no na-capture ng librong ito ang mga k*t*r*ntaduhan ng mga nasa itaas maging ng mga pangkaraniwang na mamamayan.

May ilang parte sa librong ito na para sa 'kin ay unrealistic. Di ko alam kung normal lang 'yun sa librong ito. Pero hindi naman ako na-bother sa mga 'yon, maliban sa isang scene. Ultra level naman masyado 'yung katangahan ni Aling Chummy at n'ung mga pulis na dumakip kay Rogelio. Alam ko namang may nais ihatid na mensahe ang eksenang 'yon, pero...basta. Bahala na.

Maganda ang pagtatapos nito, bagama't malungkot.

Malamang ay babasahin ko uli ito at siguradong ako ay matatawa, mamamangha, at malulungkot na naman.