A review by earlapvaldez
Ang Manggagaway at Iba pang Kathang-Agham at Pantasya mula sa Gitnang Europa at Pilipinas by Jaroslav Olša Jr., József Bencze, Eros Atalia, Dean Francis Alfar, Bebang Siy, Joselito Delos Reyes, Bob Ong

3.0

Hindi ako sanay magbasa ng sci-fi mula sa ibang bansa sa wikang banyaga. Nakikita ko na may mga mahirap na mga salita na kailangang isalin. Subalit kahit na ganoon, alam kong isa lamang itong hamon at hindi balakid sa pagpapalawak ng panitikan sa ating bansa. Kaya naman dahil dito, masasabi kong mahalaga ang tekstong ito sa panitikang science fiction (paano ba ito isasalin sa Filipino?

Kaya lang sa tingin ko, kailangan pang hasain nang mas mabuti ang pagsalin ng ganitong mga teksto. At Visprint, pakiusap sa editing. Napakaraming pagkakamali sa pagbaybay.