A review by billy_ibarra
Lila Ang Kulay ng Pamamaalam by RM Topacio-Aplaon

emotional sad medium-paced

5.0

2020 lang nang unang mabasa ko ang unang edisyon ng Lila at makilala ang panulat ni RM. Dinala ako ng kanyang nobela sa lugar na hindi ako pamilyar: sa Imus. Dito, ipinakilala niya sa akin ang kuwento ng dalawang bata na tiyak akong hindi na mabubura sa sistema ko. 

Hindi ko na napansin kung may nadagdag ba o nabawas sa bagong edisyon basta ang alam ko lang, may hatid pa ring bigat ang kuwento nina Dylan at Lila. Noong una kong nabasa ang kuwento, pinaluha ako nito at hindi pinatulog buong gabi. Pero sa pangalawang pagbasa ko nito, hindi na ganoon kasakit sa akin, dahil siguro alam ko na ang mangyayari. Gayunpaman, hindi nabawasan ang paghanga ko sa nobela. Parang gusto ko ngang damputin uli ang Muling Nanghaharana ang Dapithapon at Topograpiya ng Lumbay para tuloy-tuloy na ang pagdalaw ko sa Imus 'tapos overthink malala. Haha. 

Ginawan ko rin pala ng playlist ang Lila para feel na feel mo magbasa. Hindi ko lang makita yung kanta ni Rey Valera na "Ayoko ng Jazz"  at yung kanta ni Walter Navarro na "I've Gotta Be Me".

Lila ang Kulay ng Pamamaalam playlist:

https://open.spotify.com/playlist/16znbRfKGKcpd9SuRlN1zN?si=yz4r3QVHQ_2A8_klCQKahg&utm_source=copy-link