A review by sham1ka_
Macarthur by Bob Ong

Nahihirapan akong makisimpatiya sa sitwasyon ng mga taong gaya ni Noel, gawa ng mga rasong malapit sa sarili kong karanasan. Bagamat masasabing biktima si Noel ng malupit niyang kapalaran, kailan pa kaya mapupunta sa kanya ang sisi? Matanda na siya, kayang-kaya niyang magdesisyon para sa ikabubuti ng sarili niya, pero tuwi-tuwina niyang pinipili ang mga panandaliang saya para sa kanyang katawan.

Siguro hindi ko masyadong inisaisip ang nobela buhat ng prejudice o bias ng aking utak kontra sa karakter ni Noel. Pero sa totoo lang hindi ko naman kailangan ‘to para malaman kung anong nangyayari sa lipunan ko.