Take a photo of a barcode or cover
eyesforthestars 's review for:
Si Janus Sílang at ang Tiyanak ng Tábon
by Edgar Calabia Samar
Bago ko pa 'to umpisahang basahin, ang rami nang nakapagsabi sa akin na maganda raw. Puro positibo ang narinig ko tungkol sa Janus Silang pero nung inumpisahan ko na, narealize kong kahit alam ko nang maganda siya, hindi pa rin pala ako ready kung gaano ito kaganda. Sobrang daming plot twists na talaga namang di mo aakalain. Kapag walang ginagawa sa klase ko ito binabasa at literal na nagkakagoosebumps ako kapag may bago na namang pasabog.
Nahirapan akong tumigil sa pagbabasa nito, para bang ayaw kong bitiwan ang libro. Ito kasi yung klase ng libro na gugustuhin mong basahin sa isang upuan lang. Di ko nga lang yun magawa dahil wala pa akong kopya ng pangalawa.
Sana talaga mas sumikat pa ang Janus Silang.