A review by bookbed
Jumper Cable Chronicles: Si Santa Anita by EK Gonzales, Xi Zuq

3.0

"Matagal na noong huli akong magbasa ng YA sci-fi, lalo na’t nakasalin sa Filipino, kaya laking tuwa ko na sa unang sabak pa lang, natuwa na agad ako sa mga pakikipagsapalaran ni Dino kasama si Haya. Madali kong nailagay ang sarili ko sa world-building ng kwento, at masaya kong sinubaybayan ang unti-unting pagbunyag ng mga misteryo ukol sa mga Dimensions, kay Haya at sa nawawalang medical engineer na naging santa na si Anita.

Maraming elemento at pangyayari ang pwedeng ihalintulad sa mga nangyayari sa kasalukuyang lipunan—gaya ng pros at cons ng teknolohiya, pang-aabuso sa mga inosente, paghahanap ng mga alternatibong pag-asa at pagkapit sa pananampalataya. Sa pagpili ni Dino na tulungan si Haya na hanapin si Anita, nakita ko ang pakikisama, pag-unawa sa naiiba sa iyo at ang paalala na kapag ginusto mo, may paraan. Sakripisyo at determinasyon naman ang pinairal ni Haya, sa kagustuhang maibalik si Anita sa Dimension 048. At si Anita? Para sa akin, siya ang nagsilbing simbolo ng isang pangarap, o katuparan ng pangarap. Dahil sa kanya, nabigyan ng purpose at misyon sina Dino at Haya, na siyang nagturo sa kanila—direkta man o hindi—ng mga leksyon sa buhay." Continue reading our review here.

Please note: We don't use ratings but for this purpose, we tag books with three stars by default.
Would like to be a reviewer/contributor to Bookbed? Sign up here!
We also accept review requests. More info here.