A review by gelynespinosa
Stainless Longganisa by Bob Ong

2.0

Mahilig talaga ako magbasa ng Non-Fiction, tagalog o kaya English, pero mas trip ko talaga ang Tagalog Non-Fiction. Para sakin, Fiction Vs. Non fiction: NON FIC!!! yung iba kasi, pakiramdam ko, MASYADONG MABABAW! . Lalo na sa mga baguhang manunulat at seryoso yung iba, walang kalaman laman. Karamihan din sa fiction, romance, lovestory, pero di ko talaga sya mafeel, kaya pagdating sa fiction, stick to Books pa din ako. Ngunit pag dating sa Non fiction, walang amateur para sakin. Opinyon kasi ang basehan dito, pag mababaw ang rason minsan, okay lang, opinyon mo yun eh, hindi kelangan maging malalim ang opinyon mo, hangga't may laman. Feeling ko kasi, worth reading yung mga ganung klaseng akda lalo na't tumatalakay ito sa lipunang ginagalawan at kinasasangkutan ko. Mahalaga sa kin ang mga bagay na napapansin ng mga manunulat ukol sa mundong makikilala ko pa lamang. And I am really glad that there is Bob Ong. Maaaring sabihin na may pagkakahawig kami sa mga palagay o oppinyon sa mga problema ng bansa pero ang dahilan kaya talaga ako natutuwa sa kanya ay dahil maraming bagay ang talaga namang nagbubukas sa isip ko.

Ako ay isang mamababasa ng fiction, pero mas pipiliin ko pa din ang mga akdang gawa ni Bob Ong na tumatalakay sa mga probema sa Pilipinas. Kumpara sa mga romance books na binabasa ko, kung bibigyan ako ng pagkakataon, mas gustokong basahin ang mga gawa ni Dan Brown- laban sa simbahan, interesting para sa akin ang mga paksang kanilang tinatalakay.

Hindi ako atheist, isa akong katolikong kristyano, at sa pagbabasa ng mga akdang tumatalakay sa simbahan, lalo kong napapatunayan kung saan ako nananalig. Hindi naman mababwasan ang paniniwala ng sang tao dahil sa isang akda, hindi kayang baguhin ng isang akda ang matibay paniniwala ng isang tao. Mas gusto ko talagang nagbabasa ng mga akdang sumasalungat sa paniniwala ko, para sa akin, mas napapatunayan ko lang kasi ang paniniwala ko kung misnan kung susubuking salungatin ito o minsan, mas natitimbang ko ang mga bagay at nalalalaman kung ano ang mas dapat panigan.

Isa akong "Fan" ni Bob Ong, kung tinatanggap man nya ang ganoong tawag sa mga mambasa na humahanga ng kaunti sakanya. Alam ko lahat ng libro nya kahit di ko pa nababasa ang ilan.

Pero, ang Stainless Longganisa ay hindi talaga para sa akin. Nabasa ko na ang 4 na libro ni Bob Ong, maliban ang Alamat ng Gubat -na pinaplano ko bilhin pag nakaalis. At eto yung magiging least kung ira-rank ko sila. Inuulit ko, hindi ito ang libro na para sa akin. Tumutukoy ito sa pagsusulat, yun ang unang dahilan kung bakit ito ay imposibleng maging para sa akin. Hindi ako nagsusulat dahil may magbabasa, lalong hindi ako nagsusulat kasi hiligko yun. Wala akong hilig sa pagsusulat. Ngunit mahilig ako sa pagbabasa. Kung magsusulat man ako, maliban siguro sa mga requirements sa school ay ilan lang ang dahilan, dahil gusto ko ihayag ang sarili ko, dahil may gusto akong patunayan na hindi pinapanigan ng mga tao sa aking paligid.

Ikinwento dito kung ano ang nasa likod ng apat na librong nagawa na nya, at iyon ang labis kong ikinatuwa sa buong parte...yung mga kwento tungkol sa mga dagok na kelangan nyang harapin habang nagsusulat, yun lang ang parteng naging interesante para sa akin, pero syempre natapos ko pa din ito.

Isa itong malamang libro para sa mga kabataan- o kahit hindi- na nais magsulat.