A review by alxreads
56 by Bob Ong

5.0

Ang librong ito tingin ko ay isang mahabang pagtugon ni Bob Ong sa kasalukuyang kalagayan ng kaisipan ng maraming tao na nasa kalawakan ng internet.

Hindi ko alam kung angkop ba ang librong ito sa mga wala pa sa kolehiyo (kahit na puno sila ng potential), pero sobrang swak nito sa mga bagong graduate, recently grumaduate, at mas matanda pa sa mga taong ito.

Ang galing na nasiksik ni Bob Ong sa isang maikling libro (300 pahina) ang napakaraming paksa tungkol sa buhay natin ngayong bugbog ng maraming kaisipan at opinyon galing sa magkakaibang tao na nakatira sa magkakaibang panig ng bansa at mundo. Mga usapin tungkol sa magkakaibang yugto ng buhay, sa mga magkakaibang uri ng fallacies, sa estado ng pag-iisip ng nakararami, sa usapang pera pagmamahal at pamilya, sa mga suliranin na kaharap ng bayan, etc etc..

Ang galing na hindi lang umikot tungkol sa "lifehacks" at "payo" sa magkakaibang seasons ng buhay ang libro.. Na hindi lang lovelife at kalokohan at katatawanan ang inikutan ng librong 'to..

Ilang beses ko tiningnan ang mga huling pahina ng libro para makitaan sana ng reference ang mga impormasyon na nasabi ni Bob Ong sa libro, pero nakasulat naman pala sa pangalawa sa huling hati ng huling kabanata na hindi niya yun binalak gawin.