You need to sign in or sign up before continuing.
Take a photo of a barcode or cover
vance_31 's review for:
Si Janus Sílang at ang Tiyanak ng Tábon
by Edgar Calabia Samar
Binasa ko nang pangatlong beses ngayong 2021 bilang paghahanda sa huling libro ng serye.
Bakit ngayon ko lang ginawan ng review itong libro? Haha ewan ko.
Naalala ko no'ng binili ko ito sa Pandayan. Na-persuade ako ng review ni sir Manix Abrera sa likod ng cover, kaya binili ko. Binabasa ko pa lang 'yung mga unang pahina ng chapter 1, alam ko na sa sarili kong magugustuhan ko ang librong ito. May suspense agad sa una pa lang. 'Yung na-pulbos na braso ni Harold, 'yung ibang namatay, at si Bungisngis. Kinilabutan talaga ako kay bungisngis.
Kapag tiningnan mo 'yung mga mata niya, parang may sinasabi sa iyo. Parang sinasabing humanda ka kapag mag-isa ka lang, kapag hindi mo kasama ang kabarkada mo, tingnan natin kung matawa ka pa.
Goosebumps. Nakuha agad ng libro ang atensiyon ko sa simula pa lang. Iba 'yung atake.
Nagpatuloy na ang kuwento, at sa tingin ko na-explain naman nang maayos ang larong TALA. Maganda ang konsepto. Nagkaroon ng info-dumping nang kaunti, pero hindi naman 'yung tipong talgang mababagot ka. Talagang magpapatuloy ka sa pagbabasa kasi interesting naman.
Okay rin 'yung development ni Janus. Pati na rin ni Harold, kahit sa simula pa lang ay patay na siya. Gusto ko kung pa'no naipakita ang loob ng tahanan ni Janus. Realistic. Halos parang ako lang, except di ako nagko-computer games at di napag-iinitan (well, minsan. lol).
Pagkatapos ng medyo mabagal na bahagi ng libro, unti-unti nang nabubunyag ang lahat. Napakilala na si Manong Joey at si Renzo. At ang mga bagay ay unti-unti nang lumilinaw. Di ko alam pa'no nakaya ni Janus lahat ng impormasiyong iyon.
Lagi kong sinasabing ang twist sa librong ito ay ang pinakapaborito kong twist sa lahat ng librong nabasa ko. Sa unang pagbabasa, hindi ko napansin 'yung mga clue sa plot twist na 'yun. Patunay iyon na magaling na naitago ang nakakabaliw na twist ending. It got me off-guard, at siguro pati ang ibang nagbasa. Di ko maalala kung ilang mura ang nasabi ko no'ng mabasa ko 'yung part na 'yun nang unang beses. Pati sa pangatlong pagbabasa, iba pa rin ang dating. Nakakagulat. Nakakatakot. Nakakalungkot.
Pero ayon. Hindi ko magawang five-star ang librong ito. May ilang minor flaws lang akong nakita. May napansin akong repetitiveness. 'Yung boses ng ilang karakter ay hindi sapat ang pagkakaiba sa boses ng narration. May ilang instances na hindi ko naging trip 'yung writing. At sa tingin ko ay may mga kaunting flaws sa ibang eksena. Hindi ko na babanggitin (dahil hindi naman nakaapekto masyado sa kalidad ng kuwento), baka magmukha akong Cinemasins haha.
So ayon. Magandang simula ito kasi naipaliwanag na ang kailangan maipaliwanag. Maganda ang librong ito. Straightforward ang pagkukuwento. Maganda ang pagsasama ng konsepto ng video games at Philippine mythology. Talagang masasabi kong nagstand-out ang librong ito. Orihinal. Bago. Astig. Malupit. Nakakamangha. Sinabi ko na ba 'yung Astig?
Kung hindi ko nagustuhan ito, hindi ko bibilhin ang mga sumunod na installment at hindi sana ako excited sa book 5 ngayon at hindi sana Janus Silang ang isa sa mga paborito kong literaturang gawang pilipino.
'Yun lang. Ingat lang po tayo sa mga bunso.
Ehem... baka naman. May adaption na ng Trese. Naghihintay na lang kami ng adaption ng Janus Silang. hahaha. Kahit si Renzo na lang si Joshua Garcia. Oks din.
Ngayon natiyak na ni Janus na talaga ngang nagbago na ang mundo niya. Wasak na wasak na ang mundo niya.