A review by billy_ibarra
Pagkukunwaring Makata by C.L. Balagoza

emotional fast-paced

2.5

May duda ang may-akda kung matatawag nga ba niyang makata ang sarili. At alam kong marami din ang katulad niya---kabilang na ako---na hindi matatawag na makata ang sarili. Pero sino ba ang magbabansag nito? Ang mga nasa itaas ba at premyadong mga makata? Ang mga kritiko? O ang mga mababasa? Sari-sari ang mga opinyon mula pa man noon sa mga ganitong klase ng tanong pero ano't anuman, nakagawa si C.L. ng koleksiyon ng mga tula na ang iba ay nailabas na sa isang diyaryo at isang antolohiya. Karamihan sa mga tula sa munting koleksiyong ito ay tungkol sa mga gunitang nangyari sa Bocaue, Bulacan at sa mga simpleng biyahe pauwi o paglalagalag sa kalakhang Maynila. Mas nakikita ko ang pagiging totoo sa mga tula ni C.L. kaysa sa mga pagkukunwari.